Mga Nakakairitang Ugali Ng Pinoy

Ang Pinoy nga naman.  Marami saten na talagang matitigas ang ulo.  Simpleng rules na nga lang ayaw pang sundin.  Gusto laging palusot.  Gusto palaging nauuna.  Gusto laging pasaway.  Pero kung nasa ibang bansa naman, numero uno tayong sumusunod sa batas.  Heto ang mga obvious na gawain nating Pinoy na hindi nakakatuwa:

  1. Basura mo – Sagot mo. Pansinin mo nga ang residential houses.  Ang ganda-ganda nga pero sa labas ng bakod naman iniiwan na kalat ang basura.  Recycling kamo?  Neknek nyo.  Hindi yan iniintindi ng Pinoy dahil wala silang paki.  Ang mas nakakairita eh yung nagtatapon ng kung anik-anik from their running vehicles.  Ansarap banggain!
  2. Putang-ina!  Sige tumawid ka. Kaya tuloy andaming nasasagasaan kasi pasaway talaga ang ibang Pinoy.  May akmang pedestrain lane na nga, magdyi-jay walking pa din.  Hinarangan na nga ng bakal — lalagariin naman para madaanan.  Ginawan na nga ng fly-over, di pa rin dun dadaan.
  3. Go make saksak your cellphone to your pwet. One time nanonood ako ng sine eh kailangang pakinggan mo ng maige ang dialogue para maintindihan mo ang takbo ng istorya.  Bigla na lang may nakikipagusap sa cellphone na kahit anong gawin nyang bulong eh nakaka-distract pa rin.  Hindi na man lang inisip na dapat lumabas sya at saka dun makipag-phone pal.  Ansarap tirisin.
  4. Pumila ka, hoy! Kaya ayokong pumunta ng party na buffet ang handaan kasi may mga Pinoy pa rin na hindi nakakaintindi na dapat pumipila talaga.  Kakainis din pag may sumisingit.  Anubeeer!!!  Sa pagsakay na nga lang ng eroplano na dapat pumila paakyat ng plane, may makikipag-agawan pa sa pila.  As if, iiwan ka ng eroplano, no?
  5. Huwag kang patay-gutom! May mga Pinoy na adelantado talaga.  Hindi pa nga tapos ang party — nagpaplano na kung anong iti-take home na pagkain.  Napagsabihan na nga minsan pero di pa rin nagbabago.  May mga bisita pa nga eh nagkakanya-kanya ng balot.  Parang patay-gutom!
  6. It’s you they are talking about. Kung may anghit ka or bad breath ka siguro naman alam mo na yan so please lang umayos-ayos ka naman and be kind to the people around you.  Am sure nabigyan ka ng regalong deodorant or toothpaste – read between the lines at huwag kang naive!  Maligo ka naman!
  7. Ang utang, BINABAYARAN. Kung mangungutang ka then you are oblige to pay it.  Kung wala kang planong magbayad then di ka na dapat nangutang – HUMINGI ka na lang sana.  At please lang huwag nyo nang pahirapan ang pinagkakautangan nyo.  Magparamdam naman kayo.  Mahiya kayo, uy!
  8. Ibalik mo yan at hindi libre yan. Ang mga towels sa hotel eh hindi libre.  Huwag mo nang tangkaing nakawin at baka mapahiya ka lang.  Huwag mo na ring ipagpilitang bitbitin ang magandang picture frame at ako na mismo ang sasampal sayo.

Kung may maisipan ka, faithful readers, na pwedeng idagdag, go lang and make a comment.  In the meantime, huwag kang pasaway, ha?

Related Posts with Thumbnails