May Bago Akong Oliver

Bago magalit ang unang Oliver ng buhay ko uunahan ko na

Ang bagong Oliver sa buhay ko ay anak ng alaga kong mini-pinscher

Of course, kilala nyo si Chad na masahol pa sa tunay kong anak

Si Chad na finally nagkaanak ng apat after so many failed tries

Sa apat, yung itim agad ang nagustuhan ko and I wished na yun sana ang makuha ko

Three months old na nung finally binigay saken ang share ko sa mga tuta

Lo and behold I got my wish and got my first black mini-pinscher

Eh nagkataon noon na galit-galit kami ni Oliver

Kako the height of revenge is to name my new dog after my ex-bf

Well, I didn’t realize that it paved the way for me and Oliver to become friends again

Now back to my new puppy love, Oliver, na uber cute kasi maliit pa

Siempre si Chad mega-selos talaga dahil naging instant fave namin si Oliver

Nung una akala ko aawayin nya ang bulilit – asus, harutan na ang mag-ama

Biglang nagkaroon ng baby sa bahay — endearing kasi ang Oliver

Malambing and wala pang masyadong angst

Kumbaga sa amin talaga nagsimulang matuto ang puppy na ito

Anyone would fall in love with Oliver, as in, anyone talaga

Lahat yata ng tao lalapitan nya and kahit sinong kakarga ina-allow nya

Pag karga mo naman he is so trusting and so unlike Chad

Don’t get me wrong coz I love Chad to death

Si Chad kasi I got when he was over a year old

So bale may mga ugali na syang nakuha from his previous “master”

Si Oliver, sa akin talaga nagsimula at natututo

Pag itinabi mo sa pagtulog, he’ll chose a spot near your neck and doze off

Uber playful pa masyado and ang harot-harot talaga

One time I woke up with Oliver licking my lips – nawindang ako!

Ganun sya kalambing and ang hirap pagalitan kahit pasaway minsan

I am trying to toilet-train him kaso spoiled na eh

He takes a leak wherever he pleases and that really pisses me off

Pero isang tingin lang nya saken with those doe-like eyes, wala na…

Tiisin ko na lang ang inihian nyang bed ko

Kaninang umaga ko lang napansin na lumalaki na si Oliver

He’s still cute, yes, but he is now rounder and bigger

And I’m glad that he has remained his usual endearing self

When the original Oliver came to visit nung Tuna Festival

Nagtantiyahan silang dalawa the first time they met

That started a new friendship of the two Olivers in my life

What more can I ask for?

Lumang Oliver.  Bagong Oliver.

It doesn’t matter coz I love them both.

Related Posts with Thumbnails