Kung May Opinyon Ka Huwag Kang Magpaka-ANONYMOUS

Isa sa mga nakakairitang tao eh yung mga madaldal at talak ng talak sa mga forums, blog comments at chat groups tapos magtatago sa mga pseudonyms at pekeng pangalan o email address.  Sa ganang akin, kung may pinaninindigan ka then magpakilala ka.  Akala mo kung sinong silang matapang.  Matapang ba yung magtatago at magpapaka-anonymous?  Haler?  Panindigan mo ang sinusulat mo ng taas noo.  Naniniwala ako sa demokrasya at karapatan ng bawat tao na sabihin ang opinyon nya sa anumang bagay.  I may not agree with your opinion but I will respect it.  Pero kung magtatago ka rin lang sa pagka-anonymous mo eh neknek mo at parang ka lang tae sa akin.  Para saken, numero unong duwag ang mga ganitong klaseng tao at wala silang karapatan magbigay ng opinyon.  Heto ang mga nararapat gawin sa kanila…

  1. Ibitin ng patiwarik mula sa camachile tree ng tanghaling tapat.  Make sure na maraming makakating til-as na gagapang sa buong katawan nila.
  2. Ibilad na hubad sa taas ng bubong sa ilalim na sikat ng araw.  Dapat budburan ng pulang langgam for effect purposes.
  3. Ikulong sa balong malalim na punum-puno ng naglalakihang ipis.  Dahil ayaw ng ipis ng liwanag, dapat madilim ever talaga.
  4. Palutangin sa salbabida sa gitna ng lawa ng tubig saka pakawalan ang gutom na gutom na piranha.  Enough said.

Kaya tsina-challenge ko ang mga matatapang (kuno) magkomento na huwag nang magtago sa kung anik-anik na baduy na pseudonym at magpakatao kayo.  At saka ko kayo papansinin.

Related Posts with Thumbnails