Tips Para Sa Mga Naeebak

Nangyari na ito saken.  I was in Las Vegas that time and kasama ko ang BFF kong si Bebeth na namamasyal.  After a sumptuous buffet lunch, umikot uli kami.  Susmaryosep biglang naramdaman kong narerebolusyon ang tiyan ko.  Naramdaman nyo na ba yung feeling na parang sasabog na talaga tapos sasabayan pa ng sakit ng tyan and alam mo na the only solution eh dapat tumae na agad?  I was having cold sweat.  I told Bebeth that I needed to ebak so we went to a nearby hotel saka dumiretso na ako sa restroom.   Susme!  May tao!  Hetong dapat mong gawin if you’re caught in this kind of situation:

  1. Huwag kang mahihiya. Lahat ng pumupunta ng restroom ay iisa ang dahilan:  They want to relieve themselves.  Okay lang yung naiihi ka lang.  Pero yung natatae ka, stressful talaga, kasi naman nakakahiyang gawain ito.  Maamoy ng ibang tao ang baho ng tae mo at kung may SOUND EFFECTS pa habang tumatae mas lalong nakakahiya.  Just the same, uulitin ko, huwag kang mahihiya!
  2. Complete your paraphernalia. I strongly suggest na lagi kang may baon na baby wipes.  Available na ito in smaller packs.  Kung ikaw yung mas kampante na hinuhugasan ang pwet with water then wag ka nang umasa na merong tabo sa restroom.  Instead, magdala ka ng bottled water na hindi rin masyadong malaki – yung enough to wash and feel clean lang.  You’ll discover na very convenient na ibuhos ang tubig and easy pa to maneuver.  Afterwards, saka mo gamitin ang baby wipes.
  3. Choose wisely. Piliin ang stall na pinakamalayo para hindi ka masyadong mapansin.  Kaso lahat yata ng tao yun din ang pipiliin so chances are hindi na ito available.  Kaya choose whichever is available, go in and LOCK your door.  Nakakahiya kung biglang oopen ang stall door mo and makikita kang umiire.
  4. Check and Clean. Wipe the upuan clean using your baby wipes then wipe it dry with the available toilet paper.  Check kung may masasabitan ang gamit mo then make sure na sturdy ito.  Para mas convenient, I suggest na hubarin ang pantalon mo.  Swerte mo kapag may gripo ng tubig sa stall mo at mas bongga kung may tubig na umaagas.
  5. Once you’re seated, pakiramdaman mo kung may tao pa. This is important lalo na kung feeling mo may sound effects ang pagtae mo.  Nakakahiya talaga yan.  Kung kaya mong pigilan habang may tao pa sige lang.  Pero kapag high traffic ang restroom, good luck na lang sayo and just let go – purorot and everything.
  6. Synchronize. Para hindi mahalata o marinig ang purorot-ever sound effects mo, sabayan mo kapag may nagpa-flush sa ibang stalls o may umaandar na hand dryer.  Kung may gripo sa loob ng stall mo, buksan mo ever.  Kung yung inidoro eh yung tipong madaling mapuno ang tangke, kada iri mo and purorot, may-I-flush mo agad.  Try mo ding umubo ng malakas at saka pumururot.  Kung imposible ang lahat na nakasulat dito then keber na.  Ibandilyo na ang sound effects mo at taeng-tae ka na no!
  7. Nakatae ka na and everything pero don’t leave just yet. Lalo na kung meron pang ibang tao sa labas.  Ano ka?  Lalabas ka agad para pagtitingnan ng ibang tao?  After your scandalous purorot, maghunos-dili ka and stay for awhile.  This is your chance para isuot ang pantalon mo and to compose yourself – yung bagang parang di ka galing na tumae.  Tantyahin mo lang.  Pag feel mo okay na saka ka lumabas at wag nang manalamin.  Go for the exit agad.
  8. Magbaon ng posporo.  Yes, faithful readers, you read it right.  Ngayon ko lang na-discover na tanging usok ng bagong sinding posporo stick ang nakakatanggal ng amoy ng tae mo.  No amount of air freshener or scented candles or perfumes can make the baho go away.  Nung una, di ako naniniwala pero nang masubukan ko na nagulat ako kasi it really worked.  Kaya nga wherever I go — lalo na’t nagbabyahe ako, may baon akong posporo!

O ayan ha!  Am sure this will be very helpful.  Ito na lang ang isipin mo kung natatae ka:  LAHAT NG TAO AY TUMATAE.  Nakakahiya mang gawin, it’s a natural thing to do.  Depende na yan sa pag-carry mo.  So kung nahiya ka man sa last evacuation (the act of doing ebak!) mo, don’t worry at makakalimutan mo din yan eventually.  Enough said.

Related Posts with Thumbnails