Sampung Palantadaan Na Matanda Ka Na

Marami akong gawain dati na di ko na kayang gawin ngayon.  Kung dati eh kaya kong makipagpuyatan ng magdamagan, ngayon mas gusto kong humilata na lang sa kama at matulog.  Maraming iba’t ibang senyales para masasabi mong tumatanda ka na.  Basahin nyo ito, faithful readers:

  1. Nakakatulog ka kahit may tumutugtog na ROCK BAND. In fact, nakakatulog ka kahit nakaupo ka lang.  May instances pa nga na may kausap ka ng harap-harapan tapos sleeping beauty ka na pala.  Eh yung times na nasa harap ka ng computer at basta ka na maiidlip.
  2. Matulog ka man ng maaga o late, maaga ka pa ring nagigising. Noon nagtataka ako sa mommy ko kumbakit ang aga aga nyang nagigising.  Natapos na nya ang dapat gawin early in the morning pero tulog pa rin kaming magkakapatid.  Now I understand kumbakit.
  3. Gravity is your new friend. Kapag tumatanda ka na, lahat ng parte ng katawan mo dumadausdos pababa.  Shoulders, Suso, baba, laman at balat pati na ang mga “bird” ng lalake.  Kumbaga, minamagnet na ng lupa ang dating naghuhumindig na parte ng katawan mo.
  4. Madali ka nang mapagod. Konting lakaran lang, hinihingal ka na.  Ayaw na ayaw mo ng mga buildings na walang escalator at elevator.  Para sayo ang shopping cart ang pinakamagandang imbensyon sa balat ng lupa.
  5. Pansinin mo – nagiging palautos ka na. Feeling mo marami ka nang pinagdaanan sa buhay kaya dapat authority figure ka na.  Kaya kung makautos ka sa ibang tao para wala nang bukas.
  6. Ang tawag sayo ay may halong pag-galang. Pinopo ka lagi.  Tito o Tita ang turing sayo.  At kapag nasa family reunion ka, pumipila ang nagbi-bless sayo.  Ayaw mo man magpa-bless hindi ka tatantanan ng mga yan kasi mismong parents nila ang may utos na mag-bless sayo.
  7. Kapag may kasabay kang cutey na mas bata sayo, you’re referred to as a Dirty Old Man or Sugar Mommy. You will get stared at kasi sandamakmak talaga ang mga intrigero sa mundo.  Kaya go out in groups at mahirap nang machismax ka.
  8. Hindi mo na masakyan ang mga bagong kanta.You’re forever planted to your generation’s music.  In my case, love ko talaga ang musika ng dekada otsenta.  Don’t get me wrong kasi may mga kanta din namang magaganda ngayon pero iba talaga ang 80’s music.
  9. Ang topic ng conversation ng mga kaberks mo eh about sa health nyo. Nakakatawa mang aminin pero tutuo ito.  You talked about your latest blood pressure reading and your sugar level.  You compare what maintenance medicines you take.  Siempre pati na ang mga nararamdaman nyong physical abnormalities kasali na sa kwentuhan.
  10. Uber sensitive ka na. Hindi mo agad ito mapapansin.  Madali ka nang magtampo.  Ayaw mong pinaguusapan ka at lalo ayaw mong pinapansin ang edad mo.  Pero weird kasi gusto mo ring pinapansin ka.

I’m sure may kakilala kang tumatanda among your circle of friends.  Be kind to them.  Maraming discount ang ini-enjoy ang senior citizen at bongga kung mapasali ka.

Related Posts with Thumbnails