Manifesto Ng Hindi Tunay Na Lalake

walang kinalaman ang nakaputing tshirt sa blog post na ito…

Kalurkey ang nabasa kong Manifesto ng Tunay Na Lalake kaya’t naisipan ko ding gawan ito ng katapat.  Read on, faithful readers…

  1. Ang hindi tunay na lalake ay kinakailangang matulog.  Ang pagpupuyat ay para sa mga gustong magka-eye bags.  Major major no-no yan!
  2. Ang hindi tunay na lalake ay di nagte-text-back kapag chika-babes ang nagti-text, maliban na lang kung BFF nya ang girl.
  3. Ang hindi tunay na lalake ay namimigay ng extra rice sa mga tunay na lalake.
  4. Ang hindi tunay na lalake ay pwedeng vegeterian na mahilig sa karne at laman.
  5. Ang hindi tunay na lalake ay napapagkamalan tunay na lalake kasi may abs na din.  Kaya kwidaw kayo sa mga machong lalake at baka bading yan.
  6. Ang hindi tunay na lalake ay sumasayaw kahit walang music.
  7. Ang hindi tunay na lalake ay never aamin ng pagkakamali sa kapwa di tunay na lalake — never never mangyayari yan dahil mahirap nang ma-chismax!
  8. Ang hindi tunay na lalake ay walang tae sa brief kasi nasa suot nyang panty shield ang tae.
  9. Ang hindi tunay na lalake kahit mayaman pa ang naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng mga gamit ng papabels nya during the ligawan period.
  10. Ang hindi tunay na lalake ay nagsisimba kasi gusto nilang malaman kung bading ang pari or cute ang mga altar boys.

Wanakaosey.  Am sure maraming matatamaan neto.

Related Posts with Thumbnails