Lake Sebu Is Tilapia Kingdom

Hindi pa sikat ang Lake Sebu noon nung una kong napuntahan

I was still working with PCIBank then when I first got wind of the place

Wala pang ibang resort noon kundi Estares Lodge

Ang ibinibida nila about Lake Sebu is its TILAPIA

I vividly remember that we were house sa parang attic

Dun kami lahat natulog sa uber lamig na gabi

And siempre for two days, bumaha ng tilapia ever so much

That time, prito and inihaw lang ang usong istilo ng pagluto nito

And what I love about Lake Sebu’s tilapia is that hindi lasang-latak

Manamis-namis ito and talagang malamang-malaman

Sa muli kong pagbalik sa Lake Sebu, marami nang nabago

Isa na dito ang pagkilala dito bilang TILAPIA KINGDOM

Ang mga sumusunod na litrato ang patunay na akma ang titulong ito

Maglaway kayo, faithful readers…

Tilapia chicharon na uber crunchy

Ang sarap isawsaw sa maasim at maanghang ng suka

Kinilaw na Tilapia na ubod ng linamnam

Hindi malangsa at hindi mo aakalaing tilapia ito

Tilapiang sinigang sa kamatis na nakakalaway ang asim

Dalawang bagay ang makakakumpleto:  Patis at kalamansi

Inihaw na Tilapia na juicy ever so much

Sawsawang suka at toyo na may kamatis at sibuyas

Crispy fried Tilapia na kasing lutong ng kropek

Bawat malutong na parte nito’y masarap papakin

Related Posts with Thumbnails