Mga Pangyayari Sa Likod Ng Nakaraang Tuna Festival

Maraming mga pangyayari sa likod ng nakaraang Tuna Festival.  Sa maraming beses na ako’y naging Festival Director, aakalain ng marami na kahit nakapikit ako eh kaya ko nang patakbuhin ang mga piyesta sa Gensan.  Siempre nakakatulong ang past experiences pero sa tutuo lang bawat taon ay paiba-iba ang mga challenges na kinakaharap namin.  Gusto kong i-share sa inyo, faithful readers, ang mga bagay-bagay para maintindihan nyo ang mga pinagdadaanan naming mga tumutulong sa local government.  Read on…

  1. Bagong administrasyon. Excited kaming lahat dahil bago nga ang alkalde ng Gensan.   Ibang klaseng lider si Mayor Darlene.  Straight-forward.  No holds barred.  Sasabihin nya ng tapat ang point-of-view nya sa mga isyung nakalatag kaya dapat huwag ka nang paligoy-ligoy pa.  Mahalaga ang oras para sa kanya kaya kelangang handa ka tuwing may meeting ka with her.  Importante ding alam mo ang pinaguusapan nyo para pag tinanong ka hindi ka naman magmukhang eng-eng.   Masaya ako at habang maaga eh nakatrabaho ko na si Mayor Darlene.
  2. Asar na media. Hindi na ito bago sa akin.  Ever since na lang tinitira na ako sa radyo or local newspaper.  Dati sinasagot ko pa.  Eh yung mataray kong sagot gagamitin din against me so lalo lang humahaba ang airtime about saken.  Kaya simula nung 2005, wala silang mahihitang comment saken about sa mga issues na ang pinanggalingan naman eh puro hearsay or haka-haka.  In the first place, kilala ba ako ng mga naninirang yan?  Hindi ako magnanakaw  or kurakot dahil I earn my own keep as a banker.
  3. Magaling ako pero hindi ako perpekto. Alam ko ang kakayahan ko bilang lider at bilang event organizer.  Kung magaling ka, good luck sayo dahil magaling din ako.  Pero aaminin ko na hindi ko alam lahat.  Tanggap ko yan kaya’t bumubuo ako ng team na talentado ang bawat miyembro.  Napapagaan ang trabaho.  Napapabilis at higit sa lahat nabibigyan ng tsansa ang mga magagaling at talentadong General.  Kung sa tingin ko na mas bongga ang plano mo then I will make sure na ito ang maisasakatuparan.  Hindi ako seloso at lalong hindi ako selfish.  Para saken dapat magtulungan talaga ang bawat tao para umasenso.  Importanteng may tini-train ka nang kapalit mo in the future coz you are assured of continuity.
  4. Bading ako pero straight akong kausap. Bawal saken ang under-the-table transactions.  Huwag na akong subukan at baka mapahiya lang kayo.  Huwag na  akong regaluhan dahil hindi ko naman birthday at malayo pa ang pasko.  Hindi din ako tumatanggap ng pera dahil hindi ito parte ng role ko bilang Festival Director.  Lahat ng financial transactions ay dumadaan sa Chamber of Commerce.  Madali akong kausap kapag maayos kang kausap.  Don’t waste my time sa mga bagay na sa tingin nyo eh walang idudulot na mabuti para sa festival.  Festival Director ako hindi ako Diyos — wag hilingin saken ang imposible.
  5. We can never rest on our laurels. People can be very demanding.  Hindi pwedeng taon-taon na lang ay ganun at ganun pa rin ang palabas.  Improve on the events.  Mapapansin ng mga manonood na pabalik-balik na lang ang programa ng mga events.  Isa ito sa madugong trabaho ko – kung papano mag-introduce ng bagong gimik sa mga festivals.  Ngayong taon we brought the sky lanterns in lieu of the fireworks display.  Namangha talaga lahat.  We also introduced Mr. Gensan in lieu of Body Fest Modeling Competition.  Ibinalik din namin ang Sashimi Night.  May mga events na kailangang ayusin dahil nawala na ang novelty nito.  Sa mga pagbabagong naisakatuparan siempre may mga pumapalpak din o di gaanong naging successful.  We shall learn from this all.

As you can see, faithful readers, tao lang ako.  Hindi ako si Darna.  Pero nung ipinangako namin kay Mayor Darlene na magiging bongga ang first festival nya bilang mayor, we really worked hard no matter what.  Sa lahat ng mga tumulong maraming salamat po.  Till our next engagement.

Related Posts with Thumbnails