Tips Para Sa Gagawa Ng Job Application Letter

IMG_0468

Malimit nakakatanggap ako ng text message na nagtatanong kung meron ba akong alam na may job opening.  More often than not siempre sasabihin kong wala – anong akala nyo saken, Department of Labor?  Mas marami namang nagre-request na kung pwede bang gawin akong character reference.  Okay lang sana kung close ko ang humihiling or at least may pinagsamahan kami kahit papano.  Sometimes di ko pa nga maalala kung sino yung nagti-text.    Meron ding mga anak ng pinsan o mga pamangkin kuningning.  Kung meron mang nilagay akong reference at natanggap, so far, wala pang nagpapasalamat.

Anyway, this blog post is not about me.  Ang haba nung introduction na yun, ah!  Marami-rami na din kasi akong friends or acquiantances na kaka-graduate lang and who are unemployed.  I just wanna share kung anong dapat nyong gawin kapag nag-aaply kayo ng trabaho.  Base ito sa personal opinion ko – kumbaga ito yung mga kino-consider ko kapag may mga naga-apply ng trabaho sa akin.  Read on, faithful readers, you might find this useful.

  1. Presentable ba ang Application Letter mo? – Para saken malaki ang impact ng pagkakagawa ng application letter.  Kung nanggigitata ang itsura nito diretso sa trash can talaga agad.  Dapat malinis tingnan.  And in this age of improved technology, please lang huwag nang gumamit ng typewriter for your application letter.  Minsan mali-mali pa ang pagkaka-type.  Kung wala kang computer and laser printer, by all means, go the the nearest computer shop.
  2. Never ever miss the full name of the Addressee – Pinapansin ko din kung tama ang pangalan ko sa letter.  Major major fail if you address your letter to THE MANAGER or to the HUMAN RESOURCE DEPARTMENT.  Hello?!  At least mag-effort ka na alamin kung sinong susulatan mo ano!  Initiative ang tawag dyan.  And kung nag-effort ka nga tapos mali pa ang spelling ng pangalan ng manager — good luck na lang sayo!
  3. Kaya Body ang tawag kasi dapat malaman – Sometimes, I skip reading the body of the letter na.  Ako talaga noon effort na effort sa paggawa ng application letter.  MY OWN WORDS talaga.  Ngayon, copy and paste from the internet na ang drama ng karamihan.  Obvious na obvious kaya.  Pero please lang, kung kokopya ka na rin lang, make sure you update the necessary information nang hindi nagkakabukuhan.
  4. Don’t forget to sign your application letter – Super palpak na talaga ang applicant who hands his/her letter without signing it.  Naman!  Papano pang ma-impress ang nagi-interview kung mismong signature mo eh kinalimutan mong gawin.  Kaya always double-check everything before finalizing it.
  5. Choose a recent colored picture – Make sure naman that the picture you enclosed in your application is the more recent.  Huwag yung taken 30-pounds ago.  Avoid black and white pictures.  And don’t just stop na ito ang recent.  Make sure na maganda ang kuha mo.  It should be a formal studio shot, at least 2×2 ang size.  Ako kasi, visual na tao – pag maganda ang nakikita ko, then your letter goes to the top pile but of course, subject to review of the other credentials.  Believe you me, an attractive looking picture usually catches the attention.
  6. Huwag gawing over-acting ang Biodata or Resume – Update, update, update!  Dito ako usually nagbababad to check on the credentials of the applicant.  Make sure na ikaw ang gumawa nyan kasi nakakahiya kung hindi mo masagot ang mga tanong about your resume or biodata.  It is not necessary na lahat ng mga seminars that you’ve attended eh ilagay.  Choose the ones that has any relation to the job you’re applying for.  And please lang huwag nang isali ang mga certificate of attendance na natanggap mo ha.  I have enough toilet paper.
  7. Use POWERFUL references – For me, nakaka-attract ng attention ang mga well-known personalities na nakalagay as your reference.  Rule of thumb lang:  Dapat ipinagpaalam mo na gagamitin mong reference ang mga taong nasa biodata mo ha.  And make sure lang na kapag tinawagan ang mga taong ito eh maaalala ka.  Kaya hindi sapat na magpapaalam ka via text message or via a phone call.  Puntahan mo talaga para maalala ka.  Just imagine kung idi-deny ka in the future.  Nakakahiya!  And please lang iwasang kamag-anak mo ang reference mo.  Minus point agad yan.
  8. Packaging, baby! – Importante talaga ang presentation.  Dati, we choose the best envelope – yung maputing-maputi at makapal.  Konting mali lang ng pagkaka-type noon, pinapalitan na.  Ngayon naiba na.  Job-seekers now use the clear folder.  Okay naman yan but to keep it formal, don’t use a colored folder.

Now you’re ready.  Either you mail your application letter (and biodata) or you personally deliver it.  If you mail it, use a trustworthy courier service.  Then follow up mo after five days.  The good thing about delivering it yourself, you immediately get an appointment for interview or baka interview portion ka na agad.  That’s why kailangang pustura ka na ever when delivering your letter.  Para sa mga magpapa-interview, heto ang TIPS PARA SA INTERVIEW PORTION.

Related Posts with Thumbnails