Xyrrah’s: Tupi’s Best Kept Secret Is Secret No More

Two months ago, the SoCCSKSarGen Bloggers got together at Sweet Waters Garden Resort

Siempre excited kaming lahat kasi out-of-town pasyalan ang mangyayari

Yup yup we drove to Tupi for two reasons:  Food and Fun!

Alexis Chua and Xyril Landicho arranged it kasi pareho silang taga-Tupi

Xyril also wanted us to try the dishes his mom makes as a caterer

Bummer nga ang biglang pagbagsak ng ulan pero binawi ito nung dumating ang food

Biglang nagkabuhay ang mga bored kasi ambango talaga ng pagkain

Eh mismong mother pa ni Xyril ang naghatid ng food so alam naming bongga ang lasa

Unang kita ko pa lang sa Spanish Chicken Stew

Alam ko na agad na ito ang magiging paborito ko sa lahat

Tama nga ang sapantaha ko kasi uber sarap namang talaga

Ang lambot ng chicken meat and malasang-malasa

The diced potatoes complemented the sauce – bumalanse ever

And walang umay after-taste ito which was good

Nagulat kaming lahat sa kinilaw dish called Seafoods Ceviche

Ceviche is French for raw fish marinated in lime or lemon juice (kinilaw nga!)

Pwede palang paghaluin as a kinilaw dish ang shrimp, blue marlin and squid

Ang sarap kaya and this supposedly appetizer became like the main course

Hindi rin maasim ang timpla kaya fave na fave ko ito

Eto namang Tuna asparagus carbonara nila ang nakakaloka

We all thought chicken ito kasi hindi mo malasahan ang tuna

Nakatutok din ang attention namin sa bow tie pasta na ginamit

This is a great meal in itself kasi kumpleto na

Then there’s the Blue Marlin Fish Fillet dish

Halos hindi na kami magkanda-ugaga sa kakakain

But I wanted to taste their fillet kaya go lang

This one’s really crunchy on the outside

Pero ang linamnam naman ng laman nito

For desert, box-office hit ang Mango and Cherry Panna cotta nila

According to Xyril pwede kahit anong hinog na prutas ang toppings

Panna cotta is Italian for any sweet-gelatin mixture

Sarap din neto and andami kong nakain kasi hindi sobrang matamis

Binalanse ng fresh mango ang gelatin

Pasosyal effect na lang ang cherry so kahit wala sya oks lang

Akala ko talaga ordinary lang ang lasa ng Cheesy Maja Blanca

I was wrong kasi unang kagat pa lang alam mo na agad na hindi ito tinipid

Super creamy ng maja blanca and loaded pa ito ng sweet corn kernels

Hindi rin sya sobrang sweet kaya enjoy na enjoy akong talaga

Bundat na bundat kaming lahat sa mga kinain namin

Nagplano pa kaming mag-bowling sa Marbel to burn the calories

But when we got to Marbel Fitmart, nanood na lang kami ng Ecclipse

Nakauwi na kami’t lahat but we can’t stop talking about Xyrrah’s

Impressive talaga ang mga luto nila and we all agreed na dapat nang ikalat ito

After this blog post, Xyrrah’s Catering Services is ready for bigger things to come

Xyrrah’s Catering Services is located at M.H. Del Pilar Street Poblacion, Tupi, South Cotabato (in front of the public market main entrance). It is owned and managed by Xyril’s mom, Rouzel M. Landicho. Xyrrah’s accepts orders and caters for all occasions anywhere within SoCCSKSarGen area. For orders or questions please contact them at +639275239322.

Related Posts with Thumbnails