Gusto Mong Sumikat?

Maraming tao ang gustong maging sikat.  Siempre huwag naman yung notoriously sikat – mas madaling gawin yun.  Yung maging sikat ka sa positibong paraan ang mas mahirap – lalo na kung puro simangot ang inaatupag mo.  Kilala ako na masayahin at palakaibigan pero may mga oras na na mataray akong tingnan at hindi talaga palapansin.  Marami akong kaibigan, oo pero sikat ba ako?  Uhmmm… di gaano – slight lang.  But I’m not complaining.  So gusto mong sumikat?  Sige basahin mo ito, faithful reader…

  1. Kailangang kaaya-aya ang ugali mo. Be nice. Pero kung yung pagiging nice mo eh fake pala ibang usapan na yan.  Tingnan ko lang kung hanggang kelan ka tatagal.  Kasi kailangang natural ang dating ng pagiging nice otherwise lalabas at lalabas din ang tunay mong ugali.  Pansinin mo sa mga kaibigan mo.  Sino ba yung maraming kaibigan?  Sino ba yung lapitin ng tao?  Di ba yung madaling pakisamahan?  Di ba yung mababait?  Ang gulo na kaya ng mundo tapos nakasimangot ka pa palagi.  And the good thing about being nice is that you’re allowed to be cranky in some days.  Ibig sabihin, tatanggapin ka pa rin ng friends mo kahit may sumpong ka – hindi ka lalayuan.  Pag na-reach mo na ang level na ito – sikat ka na!
  2. Magpaka-tutuo ka.  Be yourself.  Kung inaakala mong pwedeng pagtakpan ang tunay na ugali o tunay na pagka-tao mo forever – well, nagkakamali ka.  Mahuhuli at mahuhuli ka rin.   Mas tatanggapin ka ng tao kung ikaw mismo eh tanggap ang sarili mo.  Being yourself starts with you.  Kaya kung bading ka or tomboy, magladlad ka na.  Huwag mong bigyan ng opportunity ang ibang tao para laitin ka behind your back.   In fact people will even rally behind you in every opportunity they can.  Kasi nga alam nila na tutuong tao ka.  Sikat ka na kung bawat ginagawa mo o pinangungunahan mo eh suportado ng karamihan.  Go for it.  Magpakatutuo ka.
  3. Mahalin mo ang sarili mo. Take care of yourself.  Huwag kang pabaya sa itsura at pangangatawan mo.  I’m not even talking about being gwapo o pangit here ha.  In a level playing field, yung mukhang healthy, malinis at mabango ang mas maraming kaibigan at sikat.  Gwapo ka nga eh may putok ka naman.  Maganda ka nga eh bad breath ka naman.  Kaya ang tip na ito is telling you just one thing:  ALAGAAN MO ANG SARILI MO.  Dapat hindi ka nanggigitata sa itsura.  Uulitin ko:  Dapat malinis ka (maligo ka araw-araw!), mabango ka (mag-deodorant ka!), healthy ka (mag-tooth brush ka!).  Pinaka-basic na gawain ng tao yan.  Now kung malimit kang niyayakap ng friends mo at nakikipag-beso sayo, then you have arrived.  Sikat ka na!
  4. So gusto mong sumikat?  Lumabas ka naman. Get out more.  Huwag kang magmukmok sa bahay mo.  Importante talaga that you socialize with other people.  I repeat – PEOPLE at hindi hayop.  Dahil kung puro pet mo lang ang kasosyalan mo malaki ang problema mo.  Mingle with other people.  Join organizations and be an active member hindi yung nakatunganga ka lang dyan.  Tip ko lang:  Don’t over-do mingling kasi you will look cheap.  Konting finesse.  Yun bang parang hindi ka hayok makipag-kaibigan.  How can you gauge na sikat ka na?  Kapag ikaw ang tinitext ng tao para hingin ang numbers ng ibang tao, sikat ka na!  You are a top mingler, you social-butterfly, you!
  5. Ituloy-tuloy mo lang. Keep it up.  Gawin mo ang apat na tips sa taas.  Make it like second-skin.  Parang part na ng buhay mo, baga.  Practice makes perfect ‘ika nga.  Mapapansin mo na mahirap sa umpisa.  Pero eventually hindi mo mapapansin na mas nagiging madali nang gawin and YES, dumadami na ang kaibigan mo.  Again, huwag kang peke, at hindi ka magtatagal.  Ituloy mo lang and you will eventually ride the wind of your kasikatan.  And huwag kang magbabago kung sikat ka na.  Huwag hayaang umakyat sa ulo ang pagiging sikat dahil tiyak babagsak ka agad mabilis pa sa alas-kwatro.

Ayan, lima lang yan.  Kayang-kaya mo yan, faithful reader.  Huwag magmadali.  It takes time for some.  Merong ibang overnight sikat agad – sila yung matagal nang tulog at ngayon lang nagising after reading this blog post.  O divah?  Go share this with your friends.

Related Posts with Thumbnails

About Orman Manansala

I’m easy to get along with as long as you’re not a dork! Maarte din ako. Ayoko ng mainit! Ayoko ng maalikabok! Ayoko ng walang tubig! Pero type ko ang putik! Gusto mo ako maging friend? Kung kaya mo ka-eng-engan ko then welcome to my world!

Related Posts with Thumbnails

15 comments

  1. TAMA!!! and tumpak mahalin mo ang sarili mo… i’ve learn this recently lang… i please myself first than other kasi dati i think of what others think of me first now iba na hehehehehe i love myself and thus people love me, like you *wink* hehehehehe mwah great post GNESS!!!
    Donna Mae´s newest blog post post ..Fashion Trend LAYERING

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


− 1 = three

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge