Agosto Uno: After One Year

One year ago sinimulan kong magmaganda

Ang inaakala kong magiging ningas-cogon na effort

Aba inaraw-araw ko ng walang pakundangan

Wala akong ininda – Lahat shi-nare ko talaga

Buhay ko, malungkot man o masaya

Isama pa ang roller-coaster na lovelife ko

Lahat na yata ng kaeng-engan ko ibinulgar ko na dito

4,530 visitors sa unang buwan ng pagba-blog ko nung August 2009

One year later, 15,724 visitors ang naitala sa buwan ng July 2010

Di naman siguro ganyan karami ang kamag-anak ko

Kayo ang dahilan, faithful readers, kung kaya sumikat ang blog ko

Kayo ang dahilan kumbakit araw-araw sumusulat ako

Nakakatuwa ang mga natatanggap kong komento

4.233 comments sa loob ng isang taon

Asa ka pa!  Andami kayang makukulit mag-comment

Siempre kahit papano happy ako sa mga komento nyo

Ibig sabihin eh binasa talaga ang blog post ko

One year na ang GandaEverSoMuch.com

Sikat na din ang Frog Mascot ko

Ang palaka na naging simbolo ng ating mga dreams and fantasies

Hoping na someday aayos din ang buhay

Kung malungkot ngayon baka masaya na bukas

Kung ngayon eh kumokokak ka

Baka hopefully biglang nasa Oprah ka na

Kung ngayon eh loveless ka

Baka two weeks from now, pinipilahan ka

Kung ngayon ni singkong-duling eh wala ka

Baka mamaya lang duling ka na, JOKE!

Ganun lang ang buhay, weather-weather lang

Salamat, faithful readers sa tapat nyong pagbibisita

Salamat sa one year na pinagpyestahan nyo ang kaeng-engan ko

Marami pa akong iki-kwento

Marami pa akong isi-share

Huwag lang kayong magsawa sa kalurkeyhan ko

Hapi na – Anibersari pa!

Agosto Uno na uli

Rampage to the max uli

Now na.

Taos-pusong pasasalamat kina Lyle Santos, Brendel Balaga, Avel Manansala, Jinky Borela, Marz Bendol, Donna Mae Congson and Emman Sarifa dahil sila ang saksi ng unang araw ng pagba-blog ko.  Sila ang mga Ninong at Ninang ng GandaEverSoMuch.com.

Related Posts with Thumbnails