Abangan Ang Susunod Na Kabanata

Nitong mga nagdaang araw, andaming kong napansin sa Gensan.   Hindi po ako stressed-out.   Yung trabaho ko naman given na ang pressure dyan.  Carry ko na yan.  Yung mga extra-curricular activities ko naman kahit  may tralala-moments paminsan-minsan, carry ko pa rin yan.   Kaya itong mga observations ko lately hindi dahil sa imagination ko.  True ang mga ito dahil ako mismo ang nakapansin.  Taga-Gensan ka kamo, faithful reader?  Basahin mo ito at ikaw na mismo ang humusga…

  1. Traffic Lights sa Gensan. Ano ba talaga, Koya!  Kaya andaming traffic accidents kasi ang titigas ng ulo ng ibang drivers.  Simple lang naman ang meaning ng traffic lights.  Pag RED dapat STOP.  Kapag GREEN saka ka lang mag-GO.  Ang YELLOW hindi ibig sabihin eh GO VERY FAST!  Susme, beating the red light yan!  Pakshet na mga drayber kayo –  ang titigas ng ulo niyo!
  2. Traffic Enforcers sa Gensan. Heto pang kakairita.  Naturingang enforcers ng batas-trapiko pero disappearing act lalo na pag mainit.  Kitang-kita na nagti-text lang sa ilalim ng lilim ng punong-kahoy.  Dedma ang mga hinayupak kahit sandamakmak na ang nagbi-beating the red light.  Itong mga taong ang dapat na bina-back hoe!
  3. Madamo sa Gensan. Uhm, excuse me lang… medyo tumataas na yata ang damo sa Plaza Heneral Santos.  Bigla yatang nabawasan ang mga nagbabantay at tuloy pati ang mga water hose ay hindi na napapansing sangkaterba na ang butas na nilalabasan ng tubig.  Umaalingasaw na din ang water pond na kulay green na sa dumi and am sure wala nang ni isang isdang buhay.  What gives, Andy Gibbs?  Ke bago-bago eh nagsisimula nang pabayaan?  Huwag naman sana ganun, Koya!  Anlaki kaya ng ginastos dyan!
  4. Ningas-cogon ba, baby? Uyyyy…. may hulihan yata lately sa kalye.  Wala kang helmet na nagmo-motor?  Huli ka!  Kolurum kang tricycle ka?  Huli ka din!  Sobrang nagba-back ride sa motorsiklo?  Buti’t nahuli ka bago pa man kayo naaksidente!  Sige lang, huli lang ng huli.  Pero sana naman panindigan na ang hulihan lately.  Baka after one-week, yung humuhuli na ang walang helmet o nagda-drive ng kolurum na tricycle.  Hay naku!  Aba eh kagabi lang may nakita akong nagmomotor na walang helmet!
  5. Ambaho the C.R. Para itong mana na pinagpasa-pasa from generation to generation.  Dati pa ito.  Pinansin ko na ito.  Pero ganun at ganun pa rin ang sistema.  Pansinin nyo ang toilet sa 1st floor ng City Hall.  Susmaryosep ke baho-baho at sira-sira pa ang facilities.  Tama ba namang ganyan?  Sakin lang, hello, anong sasabihin ng investors na gagamit ng C.R.?  Sige huwag na nating pansinin ang investors at bisita.  Di ba deserving din ang mga empleyado ng malinis at maayos na toilet?  Naman!  Ewan ko sa inyo kumbakit kayo nagtitiis!

Mahal mo ang Gensan?  Then kalampagin nating sabay-sabay ang bayan.  Hindi pwedeng pabayaan ito.  Kahit inis, mataas ang tiwala ko sa mga bagong lider ng syudad.  Nabanggit ko na ang iba dito – sana naman may umaksyon.  Abangan ang susunod na kabanata.

Related Posts with Thumbnails