Pwedeng Mainis?

Na-high blood ka na ba dahil sa mga nangyayari sa paligid mo?  Anong kinaiinisan mo?  Marami ba silang pasaway na umaaligid?  Heto ang mga bagay at sitwasyon na kinaiinisan ko.

  1. Pinakikialaman ang gamit ko. Magpaalam ka lang okay na ako.  Pero kapag pinakialaman mo ang gamit ko humanda ka.  Yung gulo ng kwarto ko or ng desk ko, may meaning yan at ako lang ang nakakaalam.  Kung inayos mo at hindi ko alam, eh di para mo na ring inerase ang alam ko.
  2. Pinangungunahan ako. Okay naman akong kaibigan, kapatid, boss at syota.  Kung sigurado kang kabisado mo na ang ugali ko then go decide for me.  Pero kung estranghero ka pa sa buhay ko, huwag na huwag mo akong pangungunahan at maboboldyak ka lang saken.
  3. Mga taong nagmamaganda. Ako eh kapintas-pintas din ang katabaan pero alam ko hanggang saan ang galing ko bilang tao at alam ko ang mga pwede kong gawin gamit ang talent, ganda at galing ko.  Susme eh kung pogi at maganda ka nga eh bopol naman ang utak mo please lang bawasan na ang pagpi-feeling sikat ha?
  4. Memory loss. I hate it when I forget my passwords.  Nakakainis pag gumagana ang pagkamalimutin ko.  I usually remember many things lalo na’t mga gamit na sekreto kong pinagtatago pero ngayon lugaw na utak ko.  Malimit nakikita ko na lang after ten million years ang mga expired gift certificates na itinabi ko.  Hay naku, kaasar.  That’s why I write down my passwords in a notebook eh kaso pati notebook nami-misplaced ko!
  5. Mainit at maalikabok. Hindi sa nagiinarte ako ha.  Ayoko lang talaga ng mainit at maalikabok na lugar.  Asthmatic kasi ako.  Pag naiinitan ako o exposed sa alikabok, aandar na ang barko ng ubo ko.  Eh eskandaloso pa naman ang ubo ko.  Kaya pag iniinvite ako, sorry lang talaga pag hindi ako pumunta – alam nyo na ang reason.
  6. Mga Pa-Mhinta. Sorry lang pero talagang hindi ko mawari ang mga mapagpanggap na lalake.  Amoy na amoy na nga ang pagka-bayot eh deny pa ng deny.  Minsan may crush ako taz mega-iwas saken.  Ni hindi tumatawa sa mga jokes ko.  Potek bayot pala.  Nalaman ko na lang na may syota nang lalake!  So ang maipapayo ko lang, magladlad na kayo saken at baka malay mo maging mag-BFF pa tayo.
  7. I hate it pag di ako kumasya. Airplane seats.  Seat Belts.  Masisikip na hallways, alleys, Entrance and Exit ways.  Regalong tee-shirts.  Embarrassing, uber!  Sa seat belts ng eroplano, humihingi talaga ako ng extension belts.  Pero yang airplane seats na yan — lalo na’t maliit ang eroplano, nagdurusa talaga ako.  Whew!   I really need to lose weight!
  8. Inggiterong Intrigera. Sino ba naman ang di maiinis sa ganitong klaseng tao.  Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala silang ibang ginawa kundi intrigihan ang buhay ng may buhay.  Buti sana kung may mga ibubuga eh wala naman.  Yung mga may inggit naman susme gagawa ng kung anik-anik na kwento para lang siraan ka.  Naku ipinasasa-Diyos ko na lang silang talaga.  Bahala na ang karma sa kanila.
  9. Siempre hindi pwedeng mawala sa listahan ko ang mga Traydor. Wala silang puwang sa buhay ko.  Kung anuman ang kabutihang nagawa ko para sa kanila, sa kanila na yun.  Yung pagtataksil nila ang uusig sa kanila.  At keber nang tubuan sila ng pigsa sa pwet at kili-kili nila — nararapat lang yun.

Wala lang talaga akong ibang maisip na i-blog today.  Hehehe… Di pa ako naiinis nyan ha.  Have a happy Sunday, faithful readers!

Related Posts with Thumbnails