Kaloka Pero Kailangang Gawin

fb-ikawna2

Sometimes you find yourself in a situation where there’s nothing else to do.   Ito yung mga panahon na nag-iisa ka sa kwarto mo.   Gustuhin mo mang lumabas at gumimik di mo rin magawa kasi wala kang pera.  So anong pwede mong gawin?   Look around you?  Look yourself in the mirror.  Maraming possibilities actually.  And usually ito yung mga kadiri gawin pero kailangang gawin.  Basa lang, faithful readers…

  1. Mangulangot ka.  Pick your nose. Time for spring-cleaning.  I find my pangungulangot a very refreshing task.  Huwag kayong mandiri at sarili nyo namang ilong ang kinakalikot nyo no.  At huwag ka nang mahiya dahil nag-iisa ka naman no?!  Explore mo bawat nook and cranny ng loob ng ilong mo.  May matigas sa dulong-dulo pwes abutin mo.  And I tell you, bawat hirap na ginawa mo ay nawawala kapag successful mong nakuha ang matigas na kulangot sa dulo.  Pagkatapos mong makuha, roll your kulangot between your fingers then mega-pitik mo palayo sa iyo!  Success!
  2. Magpabunot ka ng puting buhok sa ulo. It will help kung may pamangkin ka.  Dahil wala ka pera, mag-I.O.U. ka muna.  Pangakuan mo ang pamangkin mo na ipagdya-Jollibee mo sya pag may pera ka na.  Dapat may presyo ang bawat puting buhok na mabunot nya.  Piso kada puting buhok.  And make sure na your pamangkin have the puting buhok to show afterwards.  Pakakasabihan mo kung sinumang bubunot na kapag nakatulog ka eh huwag ka nang gisingin.  Otherwise, sampalin mo kung gigisingin ka ng mga hitad.
  3. Magtanggal ng libag sa katawan. All you need are your fingers.  Don’t be shy.  Take note na nag-iisa ka lang sa kwarto mo.  Umpisahan mo sa fold ng kamay mo.  O di ba, enjoy lalo na’t may maha-harvest kang libag.  Collect mo lang muna ang mga makukuha mong libag.  Explore your body.  You’ll be surprise na kahit araw-araw kang naliligo, may maha-harvest ka pa ring libag.  In the end, make a ball of the harvested libag and go pitik it away from you afterwards.
  4. Trim mo ang sumusobrang buhok sa ilong mo. Dito dapat steady ang kamay mo and you will need a really sharp pair of scissors.  You will also need a mirror para hindi kung anik-anik ang nagugupit mo.  Trim mo ang mga buhok na lumalabas sa ilong mo.  Susme ito na yata ang pinaka-kadiri na pangitain for me.  Why would you allow hair to grow out of your nose aber?  Sheesh!  Go trim agad.
  5. Trim mo rin ang pubic hair mo. Not for anything else, but for hygienic purposes, bawasan mo ang malagong pubic hair mo.  Gusto ko mang banggitin ang tagalog version ng pubic hair, hindi ko maarok kasi bastos ever pakinggan ged!   Teka, huwag nyong kakalbuhin.  Trim lang.  That way mas nakakahinga ng maluwag ang mga nakatago dyan at kapag pinawisan ka hindi mangangamoy dulot ng malagong p.h. ever!
  6. Cut those pesky and dirty fingernails. Kahit gaano ka pa kagwapo o kaganda eh kung madumi naman ang mahahaba mong kuko sa kamay echa-pwera ka talaga.  Kung kumain ka pa naman eh nagkakamay ka tapos kadumi-dumi ng mga kuko mo.  Go putol them agad.  Use a nail-cutter, por Diyos por Santo, don’t bite them!  Isali mo na rin ang mga kuko mo sa paa.
  7. Prick mo ang mga hinog na pimples mo. Malalaman mo naman kung hinog na kasi when you press it with your fingers hindi na masakit.  Unahin mo yung nasa mukha mo.  Whiteheads o Blackheads, huwag mo nang pakawalan.  Para makaganti ka, after mong makuha, tirisin mo!  Pag may kasama kang may isip na (huwag ang bata), ipatiris mo rin ang mga pimples na hinog sa likod mo.
  8. Bud your ears. Kung parang feeling mo mahina na ang pandinig mo possibly dahil medyo matagal-tagal mo nang di nakakalikot at nililinis ang tenga mo.  Get a sturdy cotton earbud and gently clean them.  Kalikot here.  Kalikot there.  Be careful lang at baka masundot.  It is the most painful sundot you’ll ever experience.  And do change as many earbuds as you can.  Huwag kang kuripot.
  9. In the comfort of your own bedroom, Umutot ka! I’m not kidding.  Just do it.  Kesa naman mapautot ka in public mas mabuting sarilin mo na.  Suffer your own utot.  This should serve as a punishment for the many times na umutot ka silently in public.
  10. And finally, maligo at maghilod. Ito na ang chance of a lifetime mo na sabayan mo ng paghihilod ang ligo mo.  You will need a face towel para pang-hilod mo.  Wet the towel at sabunin hanggang bumula.  Lihurin mo ang bawat singit sa katawan mo.  Siguruhin mong lahat ng parte ng katawan mo ay madadaan at malilinis ng face towel.  Pati ang kaloob-looban ng pwet mo, clean it.  After taking a bath you’ll feel na malinis kang talaga.

Kaloka di ba?  But we need to do it pa rin.  At least ngayon, hindi ka na mabo-bored pag nag-iisa ka.  Andami kayang pwedeng gawin.  Happy hilod ever so much!

Related Posts with Thumbnails