Bonding Ever So Much

from left to right: ako, si mommy, si mara and kuya avel

Excited ever sina Kuya Avel and Mara sa byahe namin together

Pordaperstaym, lalabas kami ng Pilipinas na magkakasama

Bonding time ng Manansala Siblings, o divah!

Buhay pa si madir nangako na ako na travel ever together kaming lahat

Kaso yung pinagkakaipon-ipon kong moolah eh nauunsyami lagi

Either may emergency na nangyayari

Or may papabels na rumampa sa harapan ko

In other words, I didn’t have financial freedom then

Hayz at kung kelan naman bongga ever ang bank book

Chugi everlasting naman si madir and fadir

So I’m left with my Kuya Avel and Mara to treat

Medyo kinakalimut-kalimutan ko na nga eh

Etong si Kuya Avel eh mautakis – style nya talaga yan

He puts me in a situation na nate-test ang yabang ko

Feeling ko kung afford ko din lang naman eh di go

Saka na ako magsisisi at nabawasan ang shopping budget ko

Salamat siempre ng uber-chubra kay Ate Kim Lee

Huwag na nya akong singilin at waz na aketch wawartz

Hehehehe… thanks Ate Kim, dala ko ang Sukang Pakurat mo

Anyway kani-kanina lang di ko talaga feel ang byahe namin

Eh kasi naman iiwan kong bitin ang preparations ng Tunafest

Ngayon nga lang ako natapos mag-impake eh

Taz lately di ko feel ang mga blog posts ko

As in ngarag moments at eskembertosh ever pa ged

Sinabayan pa ng pusong tumatumbling

Meron pang umaaligid-aligid sa tabi-tabi

Sinong di mawiwindang ang brain nyan?

La talaga akong gana until I decided to blog about it

Nung naghahanap na ako ng picture for this blog post

I only had one picture in mind – yan na yang nasa itaas

Alam nyo ba, faithful readers, anong nangyari?

Para akong nabunutan ng tinik at gumaan ang loob ko

It helped that madir is in the picture

At least I realized na this is actually a promise being kept

And looking at our itsura nina Kuya Avel and Mara

Mas na-realized ko na we really need this trip together

Keber na ang mga eklavush na gastos ever so much

Eh ano naman?  Malaki naman ang sweldo ko ano

So okay na ako now… I am ready to travel

Do pray for us, faithful readers

Na sana hindi umandar ang sumpong ko

Na sana kahit mainit at maalikabok eh kakayanin ko pa rin

Na sana maraming masa-site na kekero here and there

Isa ang maa-assure kong gagawin

Ipagmamalaki kong Pinoy ako sa byaheng ito

Mas mabango ako

At mas magaling akong kumanta

Hehehe — makikipag-away ba?

Hopefully, may internet connection sa bawat pupuntahan namin

Bitbit ko ang MacBook ko and ang Lumix LX3 ko

Tuloy-tuloy lang ang kwento

Dito sa GandaEverSoMuch.com

Kita-kits!

Related Posts with Thumbnails