Tips Para Sa Mga Magta-Travel

Hindi na ako natuto.  Sa tuwing nagbi-byahe ako palagi na lang akong may nakakalimutang dalhin.  Yun namang di importante sya namang nabibitbit ko.  Ang pinaka-worst kong naiwan eh yung belt ko.  Eh custom-made ang belt ko sa Cebu.  Talagang para lang sa bewang ko.  Kahit saan akong lupalop umikot, wala akong nakitang belt para sa balinkinitang kong katawan.  Since then I made sure na may listahan na ako ng mga dapat kong dalhin.  But take note na pag may listahan ka, meron kang tendency maging over-acting sa dadalhin mo.  We have this tendency na halos buong laman ng aparador mo eh dadalhin mo na.  Common sense lang naman ang kailanga sa mga nagba-byahe.  Hetong mga tips para sa inyo…

  1. Travel Documents. Kalimutan na ang lahat huwag lang ang travel tickets mo.  Dahil e-tickets na ang uso ngayon, find time to have them photo-copied.  Keep a copy in your wallet.  Keep one in your laptop bag.  And yung dapat mong i-present na kopya should be in a water-proof sling pouch.  Photo-copy mo na din ang IDs (student, driver’s license, company ID na may picture and signature mo) and your passport.
  2. Clothes. Count the number of days ng travel mo.  Halimbawa:  3 days = 3 underwear.  I do bring an extra underwear just in case.  Bring clothes na comfortable kang suotin.   Dahil hindi naman fashion show ang pupuntahan mo huwag kang OA mag-impake ng damit.  One decent denim pants for a 3 day trip will do.  Kung may formal activity kang pupuntahan then pack light just the same.  Iwasang gumamit ng gown na mahaba ang train.  Utang na loob.  A simple dress will be just fine.  Sa lalake, a crisp-looking polo shirt is acceptable na kahit naka-denims ka pa.
  3. Shoes. Depende actually kung anong klase ang byahe mo.  Kapag gimik and pasyal ever lang, pwede na ang sneakers or boat shoes or sandals.    Kung may formal party or activity kang pupuntahan then it would be wise to bring black formal shoes. To save on space, ipasok mo sa shoes mo ang medyas, cell phone charger at anything maliit na bagay na dala mo.
  4. Toiletries. Kung magho-hotel ka malamang may libreng sabon at shampoo na yan.  Pag first class hotel ang booking mo, halos kumpleto na yan – toothbrush, toothpaste, towel, earbuds at kung anik-anik na toiletries.  In fact, you can always call the front desk or housekeeping para humingi ng kailangan mo.  This being the case, wag mo nang dalhin ang toiletries kit mo .  Huwag mo lang kalimutan ang papaya soap!  Mortal sin yan pag kinalimutan mo.   Kung hindi ka naman magho-hotel, make sure that your toiletries are all mini-sized!  Mas maige ding wag ka nang magdala and just buy them at the convenience store sa destination mo.  And by the way, Baby cologne is the most practical replacement for perfume kaya iwanan na ang malalaking botelya ng fave perfume mo.
  5. Medicines. Keep them handy especially pag may maintenance meds ka na.  Kung ilang araw ka sa byahe ganun din ang number of meds na dalhin mo plus two each.  Huwag nang dalhin ang buong container ng medisina mo.  Parang kang traveling hospital nyan.  Tip ko lang:  Bring meds for headache, toothache, stomach-ache na pwedeng mabili over the counter – at least two of each kind.  Bring your condoms too.  Safe sex all the time!
  6. Camera. Between a point and shoot and my DSLR cameras, I’d take my point and shoot anytime.  Unang-una, practical-wise, mas madaling bitbitin ang maliit na cam.  Eh Lumix LX3 gamit ko so parang DSLR na din ang kuha.  Ambigat pa ng DSLR and very bulky.  Don’t forget the battery charger.  Isa ito sa dapat mong ipasok sa loob ng sapatos na dadalhin mo.  Kung may spare memory card ka dalhin mo na.  Pero kung bitbit mo ang laptop mo then upload mo na every after shoot.  Importante ang camera to record your experience.
  7. Cell phones. Okay, okay, okay… may Smart ka, may Globe ka at may Sun ka… so bale tatlong cellphones na yan.  Pag nagta-travel ka, tip ko lang, ISA LANG ANG PILIIN MONG DALHIN.  Otherwise, mas malaki ang chance na mami-misplaced mo yang mga cellphones mo.  Again wag kalimutan ang charger.  May cellphone ka nga, eh naiwan mo naman ang charger o di kaya maling charger ang nadala mo.  Ay ang laki mong tanga pag nagkataon.
  8. Laptop. I can’t leave without it.  Tatlo ang laptop ko.  Isang Lenovo.  Isang HP Mini-Note.  At isang MacBook.  Convenience-wise, yung Mini-Note ang dapat kong dalhin.  Eh kaso super liliit ng fonts at hirap akong magbasa.  Out of the picture na si Lenovo dahil mas mabagal pa syang gumana kesa sakin na ke taba-taba.  So I’m left with my MacBook na malaki.  Keber na.  Other than sosyal sya pinaka-powerful kong laptop ito.  I also love the fact that its battery life is tops among all the laptops that I’ve owned and used.  So kapag dala ko ang laptop ko, dalawa talaga ang bags ko.  Isa para sa mga gamit ko at isa para sa laptop ko.  Ang arte ko talaga.

So there.  I will try to expand this list kapag may naisip pa ako.  In the meantime, do yourself a favor.  PLAN YOUR VACATION.  And make sure it’s OUT OF YOUR HOMETOWN.  Iba talaga ang nagagawa ng pagba-byahe sa tao.  Believe you me!

Related Posts with Thumbnails