Para Ito Sa Mga Magba-Byahe Abroad

Hetong mga natutunan ko sa lampas isang linggong byahe ko mula Pilipinas papuntang Kuala Lumpur, Bangkok at Singapore.  I’m sharing these with you para maging handa kayo sa anumang pwedeng mangyari sa byaheng abroad nyo in the future.  Read on, faithful readers…

  1. Keep your passport handy especially sa airport transfers. Invest on a good passport neck-sling holder.  Mas madaling kunin lalo na’t nakalinya ka sa immigration or customs.  Dyan mo na rin ilagay ang airline tickets and boarding passes mo.  Napansin ko na kapag nakalagay sa loob ng bag, minsan dahil sa taranta, ang hirap mahanap ng passport mo.  Chances are sisimangutan ka ng immigration officer dahil sa bagal mo.
  2. Tao lang ang mga immigration officers. So smile ka dapat.  Huwag kang masungit kapag pumipila ka for immigration clearance.  Greet the officer.  Ngitian mo.  Speak clearly.  Iba ang dating kapag friendly face ang nakikita nila.  Mas mabilis ang processing nila and wala silang gaanong tanong.  Make sure din na kabisado mo ang lugar na kung san ka titira sa destination mo.  I-memorize mo.  Kung di mo memorize, isulat mo sa papel at saka mo basahin pag tinanong ka.  Kung anong tanong yun lang ang isagot mo.  Unless gusto mong matulog overnight sa immigration office.
  3. Change a few dollars to the local currency. You will need it.  Sa airport maraming Currency Exchangers so that would be easy.  Kahit 50 dollars okay na – wag masyadong malaki kasi mas malaki ang exchange outside the airport.  Don’t be too flashy with your money.  And make sure na hindi lang sa iisang lugar nakalagay lahat ng pera mo.  Again, make sure that you can easily get them pag kailangan.
  4. Kung walang susundo sayo sa airport, don’t fret. Airport officials are very helpful.  Bibigyan ka ng direction on how to get to town.  Dalawa lang yan – either mag-taxi ka or mag-bus or MRT ka.  Kung adventurous ka then go for the bus ride or MRT trip.  Ito din ang pinipili ng mga backpackers or yung budgetted talaga ang byahe.  Kung ka-afford ka naman and you don’t have time to spare and gusto mong kampante ang life mo then mag-taxi ka.  Ipasulat mo in the local dialect ang destination mo at saka ipakita sa taxi driver.
  5. Alamin muna kung anong  klase ang food bago ka umorder. And siempre dapat alam mo din kung magkano.  Baka order ka lang ng order tapos di mo pala type ang lasa and mahal pa talaga.  Hay naku hindi ka talaga matutunawan nyan.  Pag di ako sigurado sa lasa ng food there’s always McDonald’s or KFC naman.  Kung wala naman eh di bili na lang ng chichiria.  Pero pag may nanlilibre ng food, ay naku, keber na ang mahal at hindi mo alam ang lasa – go eat ng equivalent to two meals para makatipid ka!
  6. Swerte mo kung may tourist guide ka sa byahe mo. Kasi sila na mismo ang magdadala sa inyo sa different tourist attractions.  Pero kung kayo-kayo lang then siguruhin nyong alam nyo ang mga dapat nyong gawin.  Mahirap na nakatanga ka sa isang lugar at masasayang ang oras mo na nakatunganga dahil hindi mo alam kung san ka pupunta.  Magtanong ka sa local residents.  Planuhin nyo talaga para sulit ang lakad nyo.  Nakaka-challenge yan lalo pa’t hindi nga kayo sanay how to go around.
  7. Patience is a virtue. Sa mga byaheng grupo kailangang mahaba ang pasensya mo.  Dito talaga magkakasubukan ng paguugali ang magkakasama.  May mga kasama kayong lalampa-lampa o mahina maglakad.  Meron ding tatanga-tanga na wala ni isang impact na naitulong sa pagpaplano ng trip nyo.  Meron ding nagmamagaling eh yun pala eh hindi rin kabisado ang lugar.  Kailangang pagusapan talaga ang byahe as a group nang sa ganun kahit after ng byahe nyo eh magkakaibigan pa rin kayo.
  8. Huwag na huwag kalilimutan ang WET ONES! Sa mga di inaasahang pagkakataon talagang matatae ka so anong gagawin mo eh walang tabo sa banyo nila.  Saving grace talaga ang wet ones.  Sangkaterba ang magagamit mo so dapat marami kang baon.  Swerte mo kung may bidet ang inidoro nila at least bawas na ang iwa-wipe mo.  Kadiri ba?  Hay naku, keber na at siguruhing may baon ka nyan.
  9. Travel light. Kung plano mong mag-shopping then make sure na hindi puno ang maleta mo papunta sa destination mo. Ngayong mga panahon, each passenger is allowed 15 kilos of check-in luggage and up to 7 kilos of hand-carried bags.  Use it to the hilt.  Eh kung puno na yan sa dala-dala mo eh di excess baggage ka na agad.  Ang hirap pa naman makontrol ang pagiging shopaholic lalo na kung mura ang bilihin.  Bring just enough damit.  Huwag kang O.A. at magsisisi ka lang in the end.
  10. Magdala ka ng sarili mong camera. Mahiya ka naman sa kasama mong kuha ng kuha ng picture at ikaw eh posing lang ng posing.  Kung wala kang digi-cam, I’m sure may kaibigan kang mahihiraman.  Dapat lahat kayo may kanya-kanyang camera para kahit papano walang dehado sa pictures.  Post mo agad sa facebook at saka mo i-tag.  Mapapansin mo na karamihan sa kuha ng camera mo wala ka pero pansinin mo din na mas marami kang posing-ever-so-much sa mga camera ng kasama mo.  O di tabla lang.  Tag mo na lang pagka-upload nila sa facebook nila.

Marami pa akong ibang mai-share pero ito na muna for now.  Based on experience ito kaya maniwala kayo saken.  Ngayon pa lang iniisip ko na ang pagbabalik ko sa Bangkok next year!  Change wardrobe na uli by July 2011 so dapat shopping to the max nanaman ang drama!  Sama ka?  Wait tayo ng promo rates mula sa Cebu Pacific and Air Asia!

Related Posts with Thumbnails