Paano Mo Malalaman Kung Bading Ang Lalake?

P1220506

Ilang beses na bang naunsyami ang tibok ng puso mo.  Sa panahon ngayon hindi mo na agad makikilala kung sino ang tunay at sino ang paminta.  Meron na din kasing machong bading.  Kung titingnan mo ay kalaki-laki ng muscles at matipuno talaga ang katawan pero pag nabuking sobra pa kung kumembot sa babae.  Hetong mga dapat mong pansinin sa mga lalake ngayon para malaman mo kung bading ba sila o hindi:

  1. Mag-ingat ka sa masyadong tahimik.  Kunyari aloof-type sya.  Kunyari loner sya.  Tigilan ako ng mga loner loner na yan.  Kaya nagpapaka-tahimik ever ang mga yan kasi ayaw nilang mabuking sila.  Ang motto nila:  Less talk, less buking.
  2. Metrosexual daw sila kaya allowed silang mag-iinarte sa pananamit at pagkilos.  Utang na loob.  Ang tunay na lalake walang pakelam kung anong itsura nila.  Magduda ka na kung palaging may clutch bag na bitbit ang guy.  Ang laman nito, pabango, pulbos at lip-balm.  Potek na pa-metrosexual epek na yan.  Bayot yan.
  3. Tingnan mo ang istilo ng mga relo nila.  Pansinin mo.  Kung tuwing lumalabas eh paiba-iba ng relo at kung anik-anik na istilo – bayot yan.  Kung tunay kang lalake may care ka pa ba na dapat mag-match ang damit mo sa suot mong relo?  Haleerr!
  4. Imbitahin mong gumimik.  Pag sumuot ng sleeveless shirt yan, kumaripas ka na ng takbo.  Yan ang kasuotan ng macho gay – mga bayot na pa-macho effect pa kuno.  Kung di man sleeveless na shirt, malamang body-fit na teeshirt at maong ang suot nyan.  Magduda ka na, ateng!
  5. Pansinin mo kung sinong tinititigan nyan ng malagkit kapag nasa pasyalan — eh di yung mga nagliliwaliw na pogi sa paligid.  Pag nasa mall kayo at panay punta ng comfort room, naku, ‘day lumuhod na yan ng walang belo.
  6. Ang boses!  Ang boses ang numero unong dapat mong pansinin.  Baritone ba kamo?  Sobra bang lalim?  Tapunan mo ng ipis tingnan ko lang kung di titili ang bayot na yan.
  7. Sino bang mga kabarkada nyan?  Hindi porke’t lalake ang palaging kasama nyan eh tunay na lalake na din sya.  Magduda ka kung mas enjoy syang makipag-swimming sa mga barkada nyang lalake kesa sa inyo mga naka-bathing suit na babae.
  8. Skin-head ba kamo ang lalakeng type mo?  Tapos balbas-sarado?  Good luck na lang sayo.  Yang ang pinaka-simpleng paraan para pagtakpan ang feeling pa-girl ni fafa.  Pa-macho image kuno pero hayok na hayok din pala sa kapwa mhin.
  9. And obviously kung wala pa ring syotang babae o asawa ang isang lalakeng lampas na ng 30 years old, magduda ka na.  Am I saying na magduda ka na din sa mga pari?  Well, nobody’s perfect.  Sana nga lang magpakatino na ang bading na pari at wag nang maghasik ng lagim.  Otherwise, tigilan na ang pagiging pari nila, no! Pronto!
  10. Pero hindi porke’t may asawa’t anak na ang isang lalake eh true na mhin na sya.  Am sure mahuhuli at mahuhuli din nyo ang kabayutang pinagkakatago-tago ng mga yan.  Sino bang barkada nyan?  Saan ba nagpupupunta sa gabi?  Bakit iritable lagi pag ikaw ang kasama?  Hay naku, isang malaking good luck sa inyo.

O ayan ha!  Siguro naman hindi na kayo magkakamali sa pagpili ng sasagutin.  Although pwede rin naman mali ang sapantaha ko.  Basta ako alam ko kung sino ang true at kung sino ang false.  Been there.  Done that.  Yun lang.

Related Posts with Thumbnails
    • @nanardxz — ang mahirap nito, lahat ng makakabasa nito magdududa na sa lahat ng kaibigan nilang lalake… bwahahahaha!

  1. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHA!

    Wala akong masabi… Ang sarap basahin… NAKAKATUWA at NAKAKATAWA!

    WAHAHAHAHAHAHA ulit

    Galing ng mga insights mo Sir Orman (Sir as in SIsteR ORMAN)….

    hay, baka mahawa na ako nito ever so much…or baka? hmmmmm

    Magka – ganun man… hats – off parin ako sa mga bading, bakla, syokla, jokla, darna o ano pa man yan…

    Malaki pa rin respeto ko sa kanila, (barring aggressive behavior)…

    hay, Love you ever so much Kuya Orman… Pa share sa FB ha…

  2. May kilala akong ganito….
    Pero hinuhuli ko pa…hehehehe

    Guilty na siya sa #1, #9 (kahit di pa xa 30 plus)

    Thank kuya ORMS for a wonderful yet funny blog!

    • @cidy — hindi kami close ni papa piolo kaya di kita masasagot. i-suggest mo nga sa kanya na maging friends kami para masagot na kita finally…hehehehe!

  3. keep ’em coming, Sir Ormz… this made my day even though the weather’s “gloomy” here in Cebu, and i’m not feeling very well… once you have a lot of these tips, poydi mo na siyang i-publish na book… watchutink?

  4. Kuya… May bago ka ng fan in the person of my former professor in MSU – Main… Like na daw niya lahat ng blogs mo and I told her na mag – subscribe na siya para ganda ever so much…

  5. Yes… naka subscribe na kuya yung professor ko… Professor Dorie landa – Umbac…

    Another Recruit ever so much! = )

  6. Pinabasa ko to sa Bro at Sis ko…
    Obviously ever… TAWA SILA NG TAWA!

    Their favorite quotation: “Potek na pa-metrosexual epek na yan. Bayot yan.”

    Haha! In your FACE!

  7. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA.. NAKAFEEL KO OG GUILT SA AKONG SARILI.. AKO BA????? WAHHAHAHA POTEK NA POST TO.. LOOOOOOOOOOOOOL

    ako naman talaga ay marami at inborn na balbas…di ko sinasadyang tumubo ito..guilty na ba ako dahil may balbas ako??

    loner ko.. loner pag dili kabisado ang mga taong nasa paligid ko… guilty na ba ako dahil di ako maingay sa mga group talks?ahhahahah deym? wah

    ISA PA NGA!!

    WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
    James´s newest blog post post ..My 26th birthday – August 22- 2010

  8. Pingback: Ganda Ever So Much! » Blog Archive » 2010′s Most Visited Blog Posts Of GandaEverSoMuch.com

  9. hindi purke’t wala pang gf ang isang lalakeng nasa line of 30 maituturing na syang isang bakla,tandaan na meron tayong freedom of choice kung minsan may mga inaasahan sa buhay natin na sya mismo ang nagiging sanhi ng pagka single ng isang lalake!

  10. yung pagiging single naman eh by choice… mas marami namang nagkalat na tibo.. may ego lang kasi at macho dating kapag lalaki kaya big deal pagiging bading nila

  11. Ahmf.. Much relate talaga aq jn x blog.. because yung bf ko now his a gay..marami ang nagsasav na gay sya..sometyms napag aawayan namin gender nya…guys pahelp naman oh kung anu ba ang dapat kung gawin..

    • maraming sakripisyo ang pagdadaanan mo kung ipagpapatuloy mo ang relationship mo with your present bf lalo na kung confirmed na gay nga sya. but kung sinasabi nyang hindi then you have to trust him. work on the relationship. wag padadala sa mga naririnig. you have to be honest with each other too…