Maraming beses ko nang inamin na bobo ako sa pag-ibig. Kung napapatakbo ko ang limang branches ng bangko ko na parang wala lang or di kaya napapasimunuan ko ang mga festivals kahit gaano ka-ngarag, sa pag-ibig – inaamin ko – ako na ang pinakabobita ever so much. Di iilang beses ko nang sinabi na hinding-hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko sa larangan ng love and siempre pa lahat kayong mga faithful readers eh tinaasan na lang ako ng kilay. As expected, nag-back slide uli ako at muling nagsisisi. Huwag nyo akong gayahin. Heto ang mga senyales para malaman nyo na bobo ka sa pagibig. Read on, faithful readers…
Wala kang nakikita. Napapansin mo na ang mga pagbabago ng dyowa o syota mo. Yung dating lambing nya hindi na kasing-init. Yung patagong pagti-text nya mas nagiging malimit. Yung paghingi nya ng regalo wala nang pakundangan. Yung pagniniig nyo eh nababawasan. Yung kaliit-liitang bagay eh ikinaiirita nya. Yung pagsama sayo ay pinalitan ng pakikipagkita sa iba. Kita mo namang lahat eh pero for the sake of love, nagbubulag-bulagan ka lang. Hopeful ka pa rin na phase lang ito ng pagmamahalan. Tanga! Anong phase-phase ka dyan!? Gumising ka na ano and start investigating.
Wala kang naririnig. Ang pinakaunang nagri-react sa mga dyowang naliligaw ng landas o napapariwara ay ang mga kaibigan natin. Alam kasi ng mga dyowa natin ang mga lugar na pinupuntahan kaya mega-iwas sila dun. Hindi nila alam na nagkakalat ang mga kaibigan at kamag-anak natin na pwede silang mahuli. Kaso kahit anong sumbong na ang narinig mo hindi mo pa rin kino-confront ang mahal mo. Para sayo hearsay lang ang lahat at gusto lang kayong siraan. Eh sira ka pala eh. Sa dami ng pare-parehong kwento about sa kalokahan ng dyowa mo mula sa iba’t ibang tao, hindi na hearsay yan! Ikaw na ang heretic nyan! Wake up!
Hindi ka na nagsasalita. Dahil gusto mong peaceful ang buhay pagibig, iniiwasan mo ang masinsinang paguusap with the dyowa. Once in a while na nagtatanong ka bigla ka na lang aawayin na kesyo wala kang trust sa kanya. Na hindi ka na nagtitiwala sa mga sinasabi nya sayo. At dahil in love ka, tiklop ka agad. Pansinin mo na kapag may confrontation kayo at nabubuko mo na sya bigla na lang icha-challenge ka na maghiwalay or trial separation kayo. Tigalgal ka ever kaya nangako kang hindi mo na sya iko-confront ever. Susme, something’s brewing na! Huwag ka namang uber bobo!
Hindi ka na nagiisip. Pag ang tao in love, bobo. Period. Pag ang tao in love kahit obvious nang niloloko ng mahal nya, dededmahin ang lahat. Pag ang tao in love wala paki ito sa sakit na nararamdaman ng pagbabagong ugali ng dyowa nya. Sa tutuo lang kahit alam mo at nakikita mo na ang katarantaduhan ng syota or asawa mo, nagkikibit-balikat ka na lang para hindi na gumulo ang buhay. Eh gaga ka pala eh. Magulo na nga. Ayusin mo or tapusin mo. Use naman your kokote once in a while.
Nagawa ko ang blog post na ito kasi guilty ako neto. Tao lang, nai-in love din. Hehehehe! When will I ever learn? Not in the near future. Basta masarap ma-in love. Getting hurt is part of it. Sana lang di na ako masyadong bobo para di na mabawasan ang laman ng bank book ko. Good luck sa inyong lahat!
Please rate this post!
Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!









See no evil, hear no evil, speak no evil? Hehehe
mabuti nalang i belong to the other side of ur story.hehehe.
So sad upon hearing this..maybe I was wrong, maybe love isn’t really that sweet the second time around. once is enough, twice is too much, thrice is folly. basta, I just always believe in the saying that when there is love, there is pain.
as always, tips ever ~~ i love it!
tao lang din ako at na iinlove kaya some of these happened once or twice or even thrice. hehehe..difference lang i dont have a savings bank account na mabawasan ang laman.
yikes i can laugh over now the fact na inaway ko frend noon dahil akala ko sinisiraan nila ang tao na mahal ko. hahha ayyy life!
Arlene´s newest [type] post ..So Thankful
So far wala naman akong kasing complicated na lovelife gaya ng mga nasa deskripsyon mo Sir Orms, ‘coz at the very first place I think I pick wisely. haha. Pero now, since wala ako gana sa relationship, astig ‘tong post na ‘to. Hehe, angdami tuloy namulat. Haha
Pao´s newest [type] post ..Xtina- You Lost Me!
sir orms!
karelate! haha. ika nga, it’s easier said than done kasi. ang galing natin mag-advise sa friends natin na ganito, ganyan ang gawin pero tayo mismo sa lovelife natin, di natin magawa or masolve ang mga dramang ganyan. oh well, love problems tell us and make us realize that we’re really loving. and, these things make life exciting!
keep on loving! <3
pag-ibig pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.. ^^
nanardxz´s newest [type] post ..Mga English words at ang bisaya translation
Haaaay!
Gusto ko magmura ng bonggang-bongga. Tinamaan ako sa lahat.
Mabuti na lang do ako BOBO! yehey!
Natawa naman ako neto
)
In my case, when the guy asks gifts and other stuffs, Its already a sign…so dun palang nag-iingat na ako.
I’d like to give, but let me give it freely. Don’t pressure me by asking…
So far…never ko pa itong na experience. Well, to be honest ako ang binibigyan.
It so happened na hindi pinoy ang aking karelasyon for three years now.
Kapag pinoy kasi, malimit itong nangyayari lalot alam nila na mayron kang pera.
I love reading your blog.
Since, I attended the Blogfest 2.0 I became a follower na.
Your blog is humorous while it teaches lessons.