Tips Sa Mga Takot Magmahal Uli

FUNNY1

Broken hearted?  Maghanap ka na agad ng kapalit. Sabi nga, collect and select.  Eh bakit parang  takot ka na uling magmahal?  Normal lang yang takot na yan.  Sabi ko nga, love is trial and error.  Pano ka naman matuto kung takot kang magkamali.  Teka iisa-isahin ko ang mga takot mo para mas maintindihan mo…

  1. Baka heart-broken din sya at gagamitin ka lang pang-rebound. Unfortunately, sa lahat ng fears ng mga naghahanap ng syota – ito yung dapat pakaiwasan.  Una mong tanong:  “Kaka-break mo lang ba sa syota mo?” Pag umuo sya, umiwas ka na.  Gagamitin ka lang rebound ng mga yan.  Tapos kung kelan hulog na ang loob mo sa kanya, saka naman sila magkakabalikan ng ex nya.  Sarap sapakin ng mga hindot na yan!
  2. Ayaw mong maging Azucarera de Mama or Papa. Kung ka-afford ka maging sugar mommy or daddy, keber na.  Isipin mo nalang na investment yan.  Pero just like an investment dapat may inaasahan kang income.  Huwag kang magpakatanga at give ka lang ng give.  Siempre gusto mo ring magpa-impress kaya kung anik-anik na regalo ang bigay mo.  Pansinin mo ang reaction nya tuwing may binibigay ka – mukha ba syang naglalaway?  Hay naku, tikman mo na sya bago maging huli ang lahat at malugi ang investment mo.
  3. Baka may nakakahawang siyang sakit. Huwag kang ma-impress sa mga flawless at malinis tingnan on the outside. Kwidaw ka baka nasa loob ang sakit nyan.  Pansinin mo ang hininga nya.  Bad breath ba?  Tingnan mo ang armpits ng shirt or blouse nya – nagwi-wet ba?  Yucks, kadiri!  Kung maghahanap ka ng syota siempre dapat yung kapita-pitagan na.  Pogi nga at maganda eh “it’s-me-you’re-talking-about” pala ang drama nya.
  4. Anong iisipin ng ibang tao? Ito ang fear natin kapag nakikipagrelasyon tayo.  Tayo kasing mga pinoy masyadong conscious sa public opinion.  Ayaw nating pinupuna ang partner natin.  Kaya tuloy napakaraming naging old maid at matandang binata sa atin.  Pwes, ito ang fear na dapat iitsa-pwera.  Hello!  Puso mo ang pinaguusapan dyan ano. Kung gusto mo, go lang!  Why would you even be bothered sa sasabihin ng tao.  At least kung magkamali ka man, sarili mo lang ang sisisihin mo.
  5. Bagay ba kami? Ang fears #1 to #4 puro lahat about the other party.  Ito naman eh about sayo.  Hay naku talaga, ito ang biggest stumbling block ng mga katulad kong matataba.  Siempre may mga gusto tayong maging syota.  Ang problema, type ka ba nya?  Tatanggapin ba nya ang mga kakulangan mo physically?  And the world can be so cruel lalo na sa mga kapintasan ng tao.  Pansinin nyo ang mga usually walang syota.  Mga kagaya kong tambok. Thank goodness for chub chasers!  Eh papano na lang yung iba dyan?  Ang masasabi ko lang, kapag maganda ang ugali mo, kahit may “kakulangan” ka physically, may katapat ka ding syota nyan eventually.

So kung anong level ka man nandun ngayon sa larangan ng pag-ibig, relax ka lang.  Nasabi ko nga na hindi lahat ng may syota, masaya.  Kung wala kang syota ngayon, hindi dapat na hindi ka masaya.  Live life to the fullest, ‘ika nga.  Eventually you will meet your match.

 

Related Posts with Thumbnails