FRE_7656

Last week, binisita kami ng pinaka-bosing kasama ang asawa nya

Prior to their visit, ang taas ng stress level ko

Siempre di pwedeng magpahalata at baka makahawa lang ako


I was putting up a brave face

Giving instructions left and right

As if, wala lang dapat ikabahala

Sabi nga ng mga Ilonggo:

“Daw sa wa-ay gina-batyag pero may ara gali!”

Anyway, on the day of the visit

Feeling ko magla-lock jaw ako sa kaba

Breath in.  Breath out.

I mean, halleerr — may-ari ng AUB ito

So yun na.  Dumating na.

Thankfully, hindi naman ako nag-cold sweat

It helped kasi magaang kausap ang pinaka-bosing

The Wife also made us more relaxed

Parang kausap lang kasi namin eh mga parents namin

Nung mag-dinner na, I was more at ease

I survived that day, thank goodness

Pero bumigay din ang katawan ko nung Thursday

Yung pinagkatimpi-timpi kong stress

Naging asthma attack at lagnat loob

Kung di pa ako minasahe

Malamang lumala pa ang sakit ko

Anyway, I’m writing this blog for one reason

BAWAL MA-STRESS

Recently may kaibigan din akong bumigay dahil sa stress

Hindi mo talaga iisiping mangyayari yun

I realized na kahit sino ka pa

Pwedeng talunin ng stress

So anong pwede nating gawin?

Basahin mo ito…

  1. Mag-exercise ka.   Ikaw mismo ang pumili ng physical activity mo.  Huwag na huwag kang magpapadikta kung anong dapat mong gawin.  Do it at your own pace. Sarili mong oras. Sarili mong desisyon.
  2. Mag-nature tripping ka. Kalimitan kasi subsob ka na sa trabaho.  Ni hindi mo na nasisilip ang pagsikat ng araw. Get some fresh air.  Magpa-araw ka naman. You’ll realize that there’s life outside your cubicle.
  3. Magpa-masahe ka.  Dapat hindi yung parang binabali na ang katawan mo.Dapat smooth. Nakaka-relax at makakatulugan mo na lang.  Subukan mong magsindi ng aromatic candles. Yung bangong nakaka-relax.
  4. Give yourself a break.  Learn to say NO lalo na’t ikaw na yata ang takbuhan ng bayan.  Unahin mo munang alagaan ang sarili mo bago ang iba.  You’ll be a more effective takbuhan kung at peace ka inside and out.
  5. Pag may kinakaharap kang stressful activity, take a deep breath.  Huwag ka agad magre-react. Count from 1-10. Magpakalma ka muna.  If you do this, mas napagiisipan mo ng husto ang actions mo.
  6. Huwag kang magpaka-Super Hero.  Set goals na realistic.  Bakit ka magpapakamatay kung imposible naman ang gusto mong maatim?  Love what you do. Kung hindi ka na happy eh di tigilan na ang pagpapanggap.
  7. Enjoy mo paminsan-minsan ang buhay.  Hindi yung puro trabaho ka na lang.  Gawin mo ulit yung mga bagay na enjoy ka. No rules. Just plain fun.  Kung dati kang nagbo-ball room dancing, go for it!
  8. And finally, sa mga bayot at tibo na nagtatago pa rin.  Ang maipapayo ko lang is for you to step out of the closet. Magpakatutuo kayo. Maraming nabuang dahil sa pagtitimpi.Iwagayway ang kapa. Iladlad ang buhok at saka hawiin ang imaginary bangs.  Saka mo sabihing: TAMA NA. AYOKO NA. BAWAL MA-STRESS.

Yun lang.

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner