Damned If You Do – Damned If You Don’t

Have you ever been in a situation wherein you have to make a decision and your options are not looking good?  Ito yung “damned if you do and damned if you don’t” moment na kapag ginawa mo, malilintikan ka pa rin at kung di mo naman ginawa, mata mo lang ang walang latay, ‘ika nga.  So anong ginawa mo?  How did you decide?  Read on, faithful readers…

  1. You’re already taken.  Syota or asawa – basta committed ka na.  Biglang out of the blue may third party na umaaligid.  Nagpaparamdam.  Nagpapahiwatig.  Kinakati.  Anong gagawin mo?
  2. Gipit na gipit ka.  You need money to pay something VERY urgent – electricity bill, tuition fees ng anak mo, utang na dapat nang bayaran.  Biglang may indecent proposal sayo.  Sex for money – malaking amount.  Would you bite?
  3. You’re not feeling well.  Stomach upset.  Migraine attack.  Nasa party or event ka na importante ang presence mo.  You tried to make paalam, sinimangutan ka ng friend mo, meaning di ka dapat umalis.  What would you do?
  4. May dinner date ka.  Excited ka siempre.  You’ve been waiting for this day to happen.  Arranged na lahat pati ang venue and everything.  Nasa lugar ka na waiting for your ka-date who texted you na nagpa-park na sya.  Biglang nakita mong papasok ang isang taong nagawan mo ng malaking kasalanan.  Sisibat ka ba?
  5. You needed to withdraw money from your ATM account.  Nung nag-balance verification ka, ang balanseng lumabas one million pesos.  Alam mong hindi sayo ang perang yun kasi 10,000 lang ang alam mong balanse mo.  You’ve been longing to buy a MacBook Pro.  Magwi-withdraw ka ba ng pang-Mac?

Nagpatalo ka ba sa temptation?  Nalampasan mo ba?  Eh papano yung pangangailangan mo?  Hehehehe… napag-isip ba kita?  ‘La lang — char char lang.

Related Posts with Thumbnails