Ang Taba-Taba Ko Na

Heto ang mga palatandaan para malaman mong mataba ka na…

1

Wala ka nang ibubuga sa lakaran.
Todo hingal ka kahit isang metro lang nilakad mo.
Ang nangyayari tuloy, you avoid any form of physical exercise

2

Kapag sumakay ka ng eroplano, uber liit na ang seat
Hindi na rin magkasya ang built-in seatbelt
Kailangang kapang huminge ng belt-extension! Nakakahiya!

3

Andali mong pawisan.  Konting kibot lang todo-pawis ka na agad
Yung pawis mo parang tubig kung tumulo – uber dami
And more often than not iba ang amoy ng pawis ng matataba – napakalangsa!

4

Never ka nang nakapamili ng damit sa mall
Eh papano naman kasi – walang size kumakasya sayo
Dating okay ka pa sa customized triple XL pero now kahit quaruple XL, masikip na din

5

Hindi mo na kayang tumalon ng mataas
Hindi mo na din basta-bastang mag-hop kasi baka bumigay ang tuhod mo
Ang pinakamasaklap di ka na talaga kasya sa makikipot na alley!

Hay naku nitong ongoing Asian bakasyon ko
Andami kong realizations bilang mataba
Ang hirap kaya. Kelangang balikan ko na uli ang no-rice diet
Kelangang mag-stationery biking uli ako at magpapawis
Kailangang magbawas ng timbang kahit konti
In the meantime, hayaan nyo muna akong mag-food binge
Enjoy-enjoy lang. Galaw-galaw konti para di ma-stroke!

Related Posts with Thumbnails