RSS
30 Jun 2010

Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng Kaibigan

Author: orman | Filed under: Tips Ever

walang kinalaman ang litratong ito sa mga traydor ng buhay ko

I’m sure in our lifetime, may naging kaibigan tayong traydor.  Traydor sa negosyo.  Traydor sa pag-ibig. Basta traydor ganun at ganun din ang meaning. Pinakamasaklap eh kapag yung nagtatraydor sayo eh hindi mo inaasahang tatraydurin ka. At ang pinaka-nagiging malaking problema ay kung papano i-treat ang mga ganitong klaseng tao. Heto ang maipapayo ko…

  1. Tanggalin nyo na agad ang mga hinayupak na yan sa accounts nyo sa FaceBook, friendster, plurk, YM, Twitter at kung anik-anik pa.  Hindi mo na kailangang malaman ang mga pinanggagawa nila.
  2. Huwag mo munang i-delete ang phone numbers nila sa cellphone mo.  They might try to call or text you para mag-explain.  Dapat alam mong sa kanila galing ang call or text messages para maramdaman mong masarap mandedma ng traydor.
  3. Masama ang manira ng kapwa.  Pero para sa akin exception to the rule ang mga traydor.  Umpisahan mong mag-post ng Blind Item sa shout-out mo.  Box-office hit yan sa dami ng mga usyusero.  Saka ka na magkwento sa katrayduran nila.
  4. Sabi nila hate the sin but forgive the sinner.  Neknek sa kung sinumang nagsabi nito.  Hate both of them.  Ikaw na nga ang trinaydor magiinarte ka pa kung sinong dapat lang na i-hate mo?  Hate them to death.
  5. Huwag na huwag mong babaguhin ang routine ng buhay mo para umiwas sa mga traydor.  Mahirap sa umpisa lalo pa’t you find yourself in the same party or venue ng mga demonyong yun.  Tiisin mo na lang.  Hayaan mong sila ang mag-walk out.  Huwag nyo akong gayahin dahil hindi ko na uulitin mag-walk out.
  6. Chances are magpo-post din ng shout-out ang mga traydor to justify their actions.  Chances are makakarating sayo yan.  Pwes, huwag kang magpapa-apekto.  Ano ka bale?  Remind yourself na hindi ikaw ang gumawa ng kagaguhan.  Ikaw ang ginago kaya’t kahit anong explanation nila, muka pa rin silang basura.
  7. I’m sure na may common friends kayo.  Ngayon pa lang sabihin mo na sa common friends nyo what they did to you.  Short of saying na i-delete na rin nila ang mga traydor mula sa friends list nila.  Kung kailangang papiliin mo ang mga common friends mo, gawin mo.
  8. Huwag mo nang isipin pang gumanti.  Makakarma din sila.  Huwag mo ring ipagdasal na makarma ang mga traydor kasi hindi papansinin ang dasal mo.  Huwag mo naring isumpa.  Hayaan mo na ang karma ang kumolekta ng ganti sa kanila.
  9. Hayaan mo na ang pinagsamahan nyo ng matagal.  Bakit ka pa magpapaka-sentimental?  Ikaw na nga ang inahas mag-eemo ka pa?  Isipin mo na lang na namatayan ka ng pet na maraming galis.
  10. And finally, huwag ka nang tatanga-tanga.  Don’t be gullible.  Hindi porke mukang santo eh mabait na.  Hindi porke magaling mag-advise eh mapagkakatiwalaan na.  Hindi porke pari eh hindi naglalandi. Dyan ka na matakot.

Ayan ha, siguro naman magiging mas careful na kayo sa pagpili ng kaibigan.

Umayos ka na at gamitin mo ang utak mo.  Yun lang.

-ooOoo-

Salamat sa kaibigan kong si Chattee for the picture.

Related Posts with Thumbnails

Related posts:

  1. Tips Para Sa Mga Babaeng May Syota
  2. Para Ito Sa Mga Magba-Byahe Abroad
  3. Tips Para Sa Gagawa Ng Job Application Letter
  4. Tips Para Sa Mga Magta-Travel
  5. Tama Na Ang Pag-Iinarte (Luke 14:1, 7-14)



Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner




Tags: , ,

29 Responses to “Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng Kaibigan”

  1. SaNaSaNz said:

    hahahahah bongga! aylavet..

    okay people.. delete the traitors. now na!
    SaNaSaNz´s newest blog post ..I’m addicted to GandaEverSoMuch-My ComLuv Profile

  2. orman said:

    mare sanz hehehehe delete ever na agad. good morning diha uy!
    orman´s newest blog post ..Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng KaibiganMy ComLuv Profile

  3. venussmileygal said:

    natawa ako sa number 3… Tumpak talaga! uso na rin yan at proven effective. lols

    Magaling ka talaga mag-advice “ka-emo”!
    venussmileygal´s newest blog post ..Why I Like Ganda Ever So MuchMy ComLuv Profile

  4. venussmileygal said:

    Ai! meron pa akong pahabol.. marami talaga makarelate sa post na eto specially sa mga kakilala ko! ;)
    venussmileygal´s newest blog post ..Why I Like Ganda Ever So MuchMy ComLuv Profile

  5. hanabebs said:

    ahy, bongga ever tong post na toh sir, i lab it (^^,)

  6. Donna Mae said:

    hahahahaha :) nice post sir O na miss ko pagka loka loka mong post na kagaya nito na puno kasi tayo sa excitment sa blog anniv mo anyways let it all out!!! tama yan blog mo para maluwag sa damdamin!!! :) hehehehe natawa ako sa wag i change ang routine :) hehehehe bilisan lang kumain para maka go na agad hahahaha
    Donna Mae´s newest blog post ..Vice Ganda in GENSANMy ComLuv Profile

  7. Mommy Dharlz said:

    nice one.. will share link in FB.. thanks
    Mommy Dharlz´s newest blog post ..Happy Birthday LiliMy ComLuv Profile

  8. Robstroy said:

    Ahahahha… galing ng picture… sino si Girlalo na may hawak na baso sa kanan, at kamay ni Lyle naman ang sa kaliwa? heheheh…

    At sa piYESta pa nag shoot!
    Robstroy´s newest blog post ..Dito ka na Kumukak- Ganda ka na… mas lalong Gaganda Ever So Much ka pa-My ComLuv Profile

  9. Ria Jose said:

    As always… WINNER KA!

    Sarap talaga mang-away ng mga traydor.

  10. Lyle said:

    I can relate to this. Ma karma na lahat kayong mga ng traydor.
    Lyle´s newest blog post ..Ice Castle ExperienceMy ComLuv Profile

  11. Tweets that mention Ganda Ever So Much! » Blog Archive » Para Ito Sa Mga Trinaydor Ng Kaibigan -- Topsy.com said:

    [...] This post was mentioned on Twitter by emotera goddess, imsmileygal. imsmileygal said: says Oh mga gipangtraydor basahin ninyo eto… ;) http://ping.fm/WUWbY [...]

  12. sheng said:

    Digital na ang karma ngayon. Kaya mas mabilis. hehehe…
    sheng´s newest blog post ..The Sweet Tooth AttackMy ComLuv Profile

  13. jinky said:

    grabe, hindi ko kinaya ha ha ha…ma i repost na ito :-)
    jinky´s newest blog post ..A Friend so Beautiful Inside and OutMy ComLuv Profile

  14. orman said:

    @jinky — go lang. share mo lang and everything…

  15. orman said:

    @Robstroy — that picture was taken by chattee .. models nya sina lyle, brendel and romarie. and yes, sa piyesta nag-shoot!

  16. nanardxz said:

    whoaaaaaah tinamaan ako dun ah.. naging traydor din kasi ako minsan.. :(
    nanardxz´s newest blog post ..South Cotabato governor signs ban on open-pit miningMy ComLuv Profile

  17. fahdingding said:

    karapat – dapat ICLAP! CLAP! ang blog na to!

    I really love your “IN YOUR FACE” blogs kuya…

    marami kaming natututunan…hehehe!

    Share mode sa FB!

  18. Airwin said:

    omg. pari ged? over over na pagka OMG to!

  19. lito said:

    haha nice post.nagawa ko na yung number 1.it works….
    lito´s newest blog post ..vice ganda live in gensanMy ComLuv Profile

  20. rammyboi said:

    nice one sir ormz! :D di lang cguro sa friends na traydor maapply kundi in general talaga.. para sa lahat ng mga traydor :D simple yet striking! :D
    rammyboi´s newest blog post ..May Nag-Text- May Show Ako- Vice Ganda Live – GenSan ConcertMy ComLuv Profile

  21. Faust said:

    5 stars out of 5!
    Faust´s newest blog post ..Samsung Corby GT-S3653W WiFiMy ComLuv Profile

  22. fahdingding said:

    let’s nominate this blog as one of the most influential blogs of 2010!

    Sure WINNER jud ni ba!

  23. Ryan said:

    ayus..

    i like the #5

    natawa ako sa #10. hehehe
    Ryan´s newest blog post ..It’s monday- Back to real worldMy ComLuv Profile

  24. Ronald Eron said:

    #9 .. so true.. haha
    Ronald Eron´s newest blog post ..Bob Ong Qoutes on the WallMy ComLuv Profile

  25. traydor witness said:

    May mga traydor na nag-e-enjoy sa ganun. Talagang sinasadya. Kung totoong my karma, di ba dapat commensurate sa kasalanan? E bakit ang nga corrupt, mamamatay tao, at kung ano ano pa, lalo na sa gobyerno, namamayagpag parin?

  26. pizzagirl said:

    tumpak,karma karma lng yan sir…

  27. Arlene said:

    i lab dis! post ko ito sa facebook Orman ha!

    i like # 8. yan ang sabi na ipa sa Dios nalang at patuloy mabuhay.
    Arlene´s newest blog post ..LATSOF at a PoolsideMy ComLuv Profile

  28. nanardxz said:

    galing neto.. ^^

  29. fahdingding said:

    basa ulit ever so much!
    galing talaga ever… di nakakasawa!

Leave a Reply

CommentLuv Enabled