Papano Bang Manligaw?

Kung nasanay ka na nagka-syota ka dahil sa M.U. (mutual understanding) then ang panliligaw ang isa sa pinaka-challenging na gawain, sa tutuo lang.   Sa M.U. naman kasi, tinginan lang ng malagkit, ayos na.  Walang masyadong kiyeme.  Gusto kita.  Gusto mo ako.  Mag-syota na tayo.  Ganun kadali.  Pero kung manliligaw ka, sangkaterbang pawis, luha at dugo ang katapat.  Papano ba talagang manligaw?  Ito ang pwede mong gawin:

  1. Magpakita agad ng motibo. Kung may gusto ka then magparamdam ka agad.  Huwag nang pa-tweetums at hindi ka bagay.  Isa pa hindi manghuhula yang liligawan mo.  And take note, yung pagpaparamdam hindi ibig sabihin na magiging stalker ka.  So dapat cool ka lang.  As if nothing pero malalim ang dating.
  2. Makipagkaibigan ka muna. Mas magiging madali pag may common friends kayo dahil mas easier ang getting-to-know-each-other portion.  No pressure dapat.  Huwag magmadali.  Friends muna.  Get them to trust you first and foremost.  So yung mga actuations mo dapat parang friend lang muna.  Iwasan yung mga titig na para kang adik.
  3. Bigyan mo sya ng extra attention. Kung thoughtful ka sa mga friends mo – triplehin mo ang pagiging maaalalahanin sa nililigawan mo.  Dapat text mo ang gigising sa kanya at text mo ang magpapatulog sa kanya.  And word of advice:  Sincere ka dapat sa mga actions mo.  Nababasa ang kaplastikan, no!
  4. Kaibiganin mo ang kapamilya nya. As much as possible show your good side always sa pamilya nya.  Not to the point of bribing them naman.  Pag ini-invite mong syang manood ng sine at gustong sumama ng younger kapatid nya, by all means, umuo ka agad.  Be ready sa budget mo kasi may extra kang papakainin.  Sa date na ganito, give more special attention sa chaperone.  Extra points yan.
  5. Best foot forward – all the time. Kahit iritado ka na.  Kahit naiinis ka na.  Kahit nauubos na ang pasensya mo.  Smile ever pa rin.  Huwag magpahalatang napapagod ka na.  Kasi kung talagang mahal mo yan kahit ano pang pagdadaanan mo oks lang.  Saka ka na magyawyaw pag sinagot ka na nya.  That would be a great conversation piece!
  6. Kung makaka-afford ka then give ka ng regalo. Hindi kailangang mamahalin.  Ang importante eh magagamit nya ang ibibigay mo.  Para malaman mo ang size ng tee-shirt or blouse nya or waistline nya, ask a common friend to do it for you.  Kung gusto mo namang sekretuhin na walang makakaalam na bibigyan mo sya ng regalo then eto yung pwede mong linya:  “Ganda naman ng shirt/blouse/pants mo… medium ba ito?  Bagay talaga sayo.” More often than not sasagot yan.
  7. School bus dapat ang role mo. Kung kaya ng schedule mo, mainam na hatid-sundo ang drama mo sa kanya.  That way, mapapabilib mo syang talaga.  Kung may overtime sya sa work, hintayin mo talagang matapos saka ihatid mo.  Kung late na natatapos ang class nya, be at the gate fifteen minutes before.  Di naman kailangang may sasakyan ka pero pogi points pag meron.
  8. Remember the special days. Dapat alam mo by heart kung kelan ang birthday nya.  Importante din na alam mo ang class schedule nya or ang oras ng office hours nya.  Itong mga information na ito isini-share lang yan sayo pag kampante na sya sayo.  Kaya kapag shinare na yan then wag na wag mong kakalimutan.
  9. Best FOOD Forward. The best way to somebody’s heart is thru their stomach.  Hindi kailangang fancy restaurants.  Kahit barbecue lang oks na yan.  Siempre dapat malinis at masarap din ang food.  Treat your nililigawan as often as possible.  Kasi kapag kumakain kayo mas relaxed ang atmosphere at dyan ka pwede tumodo sa panliligaw mo.
  10. Dapat perfect ang timing mo. Tantyahin mo ang situation.  Kasi pag medyo tumatagal na ang panliligaw mo eh dapat malaman mo na kung may pag-asa ka.  Dito talagang masusubok kung magaling kang tumantya.  Kung di mo kayang sabihin ng face to face then i-text mo na lang.  Dalawa ang pwedeng mangyari dyan:  Sasabihin nyang hindi ka talaga nya magustuhan or sasagutin ka nya.  Pero may isang pwedeng mangyari din:  Hihingi pa ng more time yan.  At pag ito ang sagot nya nasa 50% ka na… gusto ka na rin nyan.

Siempre itong mga ito, base on experience no.  Kaya wag nang magtaas ng kilay dyan.  May mga panliligaw din akong naunsyami.  Merong successful din naman.  Meron ding nabitin at meron din ongoing.  Bahala na nga lang si Batman.  Good luck na lang sa panliligaw nyo.  Yun lang.

Related Posts with Thumbnails