May Syota Ka Nga Eh Hapi Ka Ba?

Photo on 2010-07-20 at 08.50 #2

Ito lang ang masasabi ko.  Hindi lahat ng nakangiti eh satisfied.  At hindi lahat ng may syota ay masaya.  Maraming senyales ang pwede nyong mapansin sa mga magsing-irog.  Heto ang Top Five sa mga tell-tale signs ng mga nagpaplastikang mag-syota.

  1. Madaling mairita. Kung dati eh uber-uber ang pasensya para sa isa’t isa, ngayon konting kibot lang eh iritado na agad sila.  Lahat may meaning na.  Yung meaning eh negative pa.  At lahat ng ginagawa ng syota pinupuna na.
  2. Mas accommodating sa ibang tao. Pansinin nyo — kapag ibang tao ang humiling, very accommodating sila pero kapag syota na nila ang naglalambing, pabagsak na agad ang boses and nakakunot na ang noo at nagpapang-abot ang mga kilay.
  3. Kanya-kanyang bayaran na (KKB). In the early days walang pakundangan sa gastos kung para sa syota.  Ngayon kahit konting expense lang yawyaw ever so much na.  AT kapag nag-aaway sila, kanya-kanyang kwentahan na ng mga ginastos at kanya-kanyang parinig na.  Kung nagdi-date lately, KKB na!
  4. Mga sekreto sa cellphone. Dati iniiwan pa ang cell phone kahit nandyan ang syota.  Minsan nga sabay pa nilang binabasa ang mga text messages ng mga cell phones nila.  Ngayon kulang na lang na lagyan ng kadena ang cellphone para hindi mahiwalay sa katawan.  Never na itong iniiwan kahit saan lalo na pag nandyan ang syota.  At pag pinakialaman ito, mangangaway na.
  5. Menos lambing.  Menos hug and kiss.  Menos jerjer. Pag laging nakasimangot either one of the mag-syota malamang ito ang pinagpuputok ng butse nila.  Ikaw kaya maging tigang di ka kaya aburido sa buhay?

Ayan, lima lang yan.  Ngayon pa lang pansinin nyo na ang mga friends nyong mag-syota.  Kahit isang sign lang among these Top Five, meaning yung happiness level nila pumapalya-palya na din.  Pero siempre it doesn’t mean na wala nang pag-asang makabawi dahil nasa mag-syota na yan no.  Kaya ko ito shi-nare para hindi na magmalaki ang mga may syota sa ating mga single.  Hehehehehe!  Bitter man talaga ako uy!  Kaines!  O sya, makitawa na at go share this to your friends!

Related Posts with Thumbnails