Nang Inokray-Okray Ako Ni Vice Ganda

Downloads

Malay ko ba na ako ang pipiliin nya

Nananahimik nga ako sa upuan ko

Tawa-tawa lang ang mode

Kasi nga umpisa pa lang grabe na ang mga birada nya

Susme nung nakalapit sa kinauupuan ko, sabi nya:

“Oh, dito naman ako ke Humpty Dumpty!”

At sinundan pa nya ng:

“Akala ko ba Tuna ang madami dito eh bakit andito si Dugong?”

At dyan po, mga kaibigan, nagsimula ang pang-ookray ni Vice Ganda saken

Bawal dito ang pikon kaya tawanan mo na lang

Eh ano pang magagawa ko?  Tutuo namang lahat ang sinabi nya no?

Pag show ni Vice Ganda, sumabay ka na lang para hindi ka ma-stroke

Kung gaano katindi ang pang-ookray nya sayo

Ay sya namang lakas ng tawa at palakpak ng madlang people

Akala ko nga tapos na ang role nung gabing yun

Ang hitad na Vice Ganda eh sinundo uli para sa Agawan Moment nila ni Gladys Reyes

Kamuntik pa nga akong matapilok sa stage

Mabuti na lang idol ko si Fernando Poe Jr. at kineri ko ang tapilok incident

So ayun na – nasa stage na ako – nakisali pa si Gladys sa pang-ookray saken

Sige tawa lang – pati madlang people hagalpakan ng tawa

Eh that time pinag-aagawan nila ang poging binata sa stage

Kunyari si Vice Ganda si Agua while si Gladys si Bendita

Ang binatang si Jason naman si Ronnie

And out of the blue ako daw si Dolly

Tawa lang ang mga hinayupak na audience

Eh biglang tanong ni Gladys saken kung sino ba mas gusto ko

Si Agua ba daw o si Bendita?

Aba ipinasa saken ang microphone

Without batting an eyelash sagot ko: “MAS GUSTO KO SI RONNIE!”

Narinig kong talaga na dumagundong sa tawa ang madlang people

Tameme at windang sina Vice Ganda at Gladys

Oh loko naisahan ko kayo no?

Sport lang.  Showtime eh.

Bumaba ako sa stage na parang bagong tao

Anak ng potek ngayon alam na ng buong Gensan na ex-man ako

Keber na!  Sikat naman ako that night eh

Tatlong oras kaming tawa ng tawa ng gabing yun

Uber uber talaga ang talent ni Vice Ganda

Ambilis tumapon ng matataray na punch lines

Tama lang na sikat ka na ngayon

Huwag lang lumaki ang ulo mo

Pustahan tayo mas sisikat ka pa lalo

Sa mga hindi nakapanood, neknek nyo

Mamatay kayo sa inggit!

Ang kukuripot nyo kasi!

Downloads1

Related Posts with Thumbnails