Happy Birthday, Lyle & Andrew

Meet Lyle Santos and Andrew dela Serna

Parehong taga-Davao

Parehong Bloggers

Parehong Teki

Parehong Pogi

Parehong Maaasahan

Parehong Loyal na Kaibigan

Parehong Mahilig Kumain

Parehong Feeling Big Brother

Parehong birthday nila ngayong araw

Hanggang dyan lang sila magkatulad

Si Lyle, may syotang maganda

Si Andrew, maraming feeling-syota na maganda at nagmamaganda

Madaling magkasakit si Lyle lalo na pag stressed

Maraming nagkakasakit dahil kay Andrew kasi nai-stressed sa simangot nya

Cuddly si Lyle while Dude na dude si Andrew

Madaling mag-smile si Lyle

Samantalang way-of-life na ni Andrew ang mandedma

Pag di ka kilala ni Lyle, sya mismo ang makikipagkilala

Pag di ka kilala ni Andrew, hindi ka “in” so sorry ka na lang

Pareho ko silang love na love

Pero wala akong pagnanasa sa kanila

Slight lang

Si Lyle, andaming beses nang nakapag-lamiyerda sa Gensan

Si Andrew, minsan pa lang at malamang baka yun na ang last

Pag kaibigan mo si Lyle para kang nakasandal sa pader

Pag kaibigan mo si Andrew, SIYA ang pader

Si Lyle pipilitin mo pang mag-sports activity

Si Andrew naman ang pipilit na mag-badminton at mag-gym ka

Mga byahe ni Lyle, puro lokal

Mga byahe ni Andrew, sosyal kasi abroad ever

Magaling mag-bisaya si Lyle

Kapag malalim kang magbisaya nakanganga na si Andrew

Dahil birthday nila today, may wish ako para sa kanila

Para kay Lyle, sana huwag na siyang magkasakit

Para kay Andrew, sana huwag na siyang magka-syota

Happy birthday, mga repapips

Maswerte ako at kaibigan ko kayo

Pero mas maswerte kayo kasi kaibigan nyo ako

Manlibre kayo, hoy!

Related Posts with Thumbnails