A Mid-Year Review Of My New Year’s Resolutions

Kalimitan talaga ang mga New Year’s Resolutions napupunta lang sa wala.  Nung December 29, 2009, gumawa ako ng sarili kong listahan.  At dahil June na ngayon,  bubusisiin ko ang mga ginawa kong New Year’s Resolutions ko for 2010 to check if I am been diligently doing something about them.    Read on…

Lose Weight, Get in Shape & Stay Healthy

Dito masasabi kong winner ako.  I bought myself a stationary bike and started exercising.  I also cut my rice intake which actually started off as a dare.  Kako pag nanalo si Melai sa PBB Double-up, hindi ako kakain ng kanin for one month!  Alam nyo bang nagawa kong umiwas ng kanin until May 2010?  Ngayon panaka-nakang may rice pero hindi na katulad ng dati na akala mo end-of-the-world na kung kumain ng rice!  Kaya ang impact, lumiit talaga ang tiyan kong lumulobo na dati and i lost 10 pounds too!  Siempre sinabayan ko ng 30 minutes biking and stretching exercise 4x a week.  I also started a trend by doing the GM Diet.  Andami kayang naenganyo.  Bukas start ko uli ang biking after a 3-week respite.  My BP is normal; my cholesterol level is normal while my sugar level still nasa borderline.  Gotta work on the sweat now…

I Wanna Pay All My Utangs

Dito naman, pasang-awa ako.  At least nabawasan ko na din immensely ang paggamit ng credit card.  I prefer purchasing in cash na lang.  Dahan-dahan ko na ring binabayaran ang bills ko.  Hopefully, may ini-expect akong windfall so that should bring down my utangs.  Medyo naramdaman ko din na may financial freedom na ako kahit papano.  There will always be unexpected expenses and importanteng may nakatago kang pera.  Ngayon, may nabubunot na talaga ako.  Pero I have to curtail some unnecessary purchases.  Kainis.

I Will Spend More Time with Family

I think I have improved a lot as a brother and uncle (uncle daw, oh!).  Mataray pa rin naman ako pero sa tingin ko mas umokey ako this year.  Pasaway pa rin some of my pamangkin kaya minsan nakakaimbyernang tumulong.  Napapansin ko naman kasi na kapag uber-friendly ako sa kanila eh namimihasa.  Kaya I think I will forever be the wicked auntie.  Don’t get me wrong – I love my family pero dapat matuto din silang tumayo on their own.

I Wanna Take a Vacation

Excited na ako sa Asian trip namin nina Kuya Avel, Marz and my sister Mara.  Sa July na namin gagawin so kailangang ready ako physically.  I want to enjoy this trip.  I need a break.  Kasi pati yung sana eh lamiyerda with friends every weekend eh nakaka-stress na din.  I need an honest-to-goodness vacation ever so much!

Learn How To Drive

Beginning the last Saturday of June, magpapaturo na talaga ako kay Peter ng pagda-drive.  Promise.

Not bad.  Not bad at all.  I have to work on a few things but I think I am on track.  Kayo?  Kumusta ang mga New Year’s Resolutions nyo?


Related Posts with Thumbnails