Kailangang Ma-In Love Uli Ako

team jejemon

Mas madali talagang ngumiti

Ayoko ng nagmumukmok na lang sa sulok

Kapagod ng nakasimangot

Kairita ng malungkot palagi

Salamat sa mga simpatiya ng mga nagmamahal

Mahal nyo nga ako eh wala naman kayong nirereto saken

Mabuti pa si atty. magman nag-eeffort talaga

Karamihan sa friends ko gusto yatang  magpakatandang-dalaga na lang ako

Hay naku!  Hindi ako makapapayag nyan

Kailangang ma-in love uli ako

Sayang ang mga powers ko

Heto ang mga rason kumbakit…

  1. Marami akong pera.  Nag-uumapaw.  Kelangang gastusin bago mabulok.
  2. Masarap akong kayakap.  Parang kutson.  Amoy pinipig.
  3. Madali akong utuin.  Iiyakan lang eh ayos na ang kasunod.
  4. Grabe akong magmahal.  Ang isusubo ko na lang ipamimigay ko pa.
  5. Paborito ako ng relatives.  Malakas ang powers ko sa kamag-anak.
  6. Makulay ang buhay saken.  Exciting.  Challenging.  Basta bongga.
  7. Malawak ang network ko.  Madaling mag-solicit!
  8. Talentado ako.  Kumakain ako ng apoy.  Tumutulay sa alambre.
  9. Paborito ako ng barkada.  Kaya kong mag-adjust kahit kanino.
  10. Mapag-alaga ako.  Lahat silang dumaan sa kamay ko, happiness ever.

Sampu lang yan.

Sampung rason na mawawalan ng saysay

Kung di na uli ako ma-i-in love

Dapat talagang i-share

Laban ka?

May prospect na nga ako eh…

Related Posts with Thumbnails