Hindi Ako Si Barbie

Pag tumatanda ang tao lalong dumadami ang insecurities.  Nasabi ko nga minsan sa ex-man ko magpapalit na ako ng nationality.  Magpapaka-Chinese na ako kasi uber-uber ang INTSIK-yuritis ko.  Hay naku, mabuti pa si Barbie, forever na na nakangiti.  Forever na sexy.  Ever after na walang problema.  Kaso nga lang…

  1. Hindi ako si Barbie.  May puso’t damdamin ako at nasasaktan din.  Kaso uto-uto talaga ako minsan.
  2. Hindi ako si Barbie.  Hindi ako plastic.  Pero keri ko maging tupperware kung kinakailangan.
  3. Hindi ako si Barbie.  Whether I like it or not tatanda din ako.   Buti na lang hindi na ako virgin.
  4. Hindi ako si Barbie.  Ayokong mag-ilusyong sexy ako.  Kung mataba man ako – slight lang.
  5. Hindi ako si Barbie.  Moody din ako.  Hindi ako laging nakangiti.  Gusto ko minsan nagtataray ako.
  6. Hindi ako si Barbie.  Wala akong hair na mahaba.  Pero mas mahaba ang imaginary “bangs” ko.
  7. Hindi ako si Barbie.  Di ko na kayang sabayan ang mga rampahan ngayon.  Pero kaya ko pa ring magpa-cute at pa-tweetums.
  8. Hindi ako si Barbie.  May sarili akong pagiisip.  Pero tanga ako sa pag-ibig.
  9. Hindi ako si Barbie.  Sometimes umaandar ang hiya ko.  But more often than not makapal ang mukha ko.
  10. Hindi ako si Barbie.  Wala man akong Ken na loyal saken andyan naman si Chad.  Pero hihintayin ko pa rin ang Ken ng buhay ko.  Hehehehehe…

Kaya kayong mga mga kaedad ko, tanggapin nyo nang tumatanda na talaga tayo at kailangang matanggap na natin ang mga pagbabagong darating sa buhay natin.  Para naman sa mga batang makakabasa nito, isa lang ang masasabi ko:  “Tatanda din kayo!” Kaya enjoy nyo lang life nyo habang keri nyo pa.

Related Posts with Thumbnails