It’s A Bed Weather

bedweather

Pag ganito ang panahon andami kong gustong gawin

And siempre iisa lang ang venue kung san ko gagawin

It’s a BED weather today at tinatamad akong pumasok

Eh kasi naman ang kulimlim ng panahon

Dati akong nagigising sa liwanag ng araw

Kanina kung hindi pa kumatok ang pamangkin ko

Malamang tulog pa rin ako – 7:30 am na kaya

Ang sarap humilata sa kama lalo’t anlamig ng panahon

Kulang na lang ng katabi na mainit ang katawan

Pag BED weather kasi sarap ng may kayakap

Yun bang yakap mo na yayakapin ka rin na bonggang-bongga

Tapos lambing-lambingan to the max

Habang uber-uber ang patak ng ulan sa labas

Kung di pa yan romantic – ewan ko na lang

Pag ganitong BED weather at wala kang syota

Parang gusto mong magpatuka sa ahas

Pag may syota ka naman at hindi mo katabi

Parang gusto mong maging ahas

Hehehehe… don’t get me wrong

Lubha lang nakakaapekto ng libido ang BED weather

O sya, bago pa ako ma-late sa opisina

Gugulong-gulong muna ako ever

Sabay yakap sa malamig na unan

Sabay kiss sa imaginary katabi

Sabay sabing:  “Miss kita tuwing umuulan!”

CHEESY!!!

Related Posts with Thumbnails