RSS
26 May 2010

In Search Of A Wowowee Host

Author: orman | Filed under: What Ever

Mukhang naasar na din ang ABS CBN sa prized possession nila

Hanggang ngayon hindi pa rin pinagrereport si Willie sa Wowowee

Op kors, nagpahiwatig si Willie na ayaw na muna nyang bumalik

Mautak lang siya – inunahan na nya ang mga bosing

Alam niya na ang paghamon nya on-air ang pinakabastos sa lahat ng nagawa nya

Sa tingin ko hindi ito palalagpasin ng ABS CBN

Sa pagkakataong ito they have the upper hand

Kung dati nadadala pa ng paghingi ni Willie ng tawad

Ngayon mukhang handa na sila para bigyan ng leksyon si Willie

Pansinin nyo ang takbo ng updates about the issue

Yung pinaka-latest, talagang inilabas na ang mga kabastusan ni Willie

Ang pang-iinsulto nya sa kapwa artista

Kunyari biro pero malaman ang patama

Bastos ka talaga, Willie kaya good luck na lang sa career mo

Kaya ngayon pa lang tini-testing na ng ABS CBN kung sino ang kwela sa audience

Lately, si Robin Padilla ang nakatoka bilang guest host ng Wowowee

Kahit medyo hirap si Binoe sa pagho-host

Kita mo naman ang pagsisikap nya

Ang lakas ng dating ng Bad Boy ng Showbiz

Maginoo pero maharot pa din

At nakakapanibago ang pagiging magalang niya

Kasi nga nakasanayan na ang pagiging antipatiko ni Willie

Kay Binoe mapapansin mong magaan na sa studio

And I like him coz he works real hard

Kumakanta din ang orig na Videoke King

May mga balitang susubukan din ang galing ni Cesar Montano

On his own pinasikat nya ang The Singing Bee

Hindi lang kasi sya pogi, simpatiko din si Boboy

Sa tingin ko magki-click sya as host sa Wowowee

One thing going for him, gusto ng Pinoy ang underdog

Natalo sya sa eleksyon at kamamatay lang ng anak nyang lalake

He will surely be a big hit sa masa

Gusto kong subukan ng ABS CBN si Vhong Navarro

Dahil sa tingin ko sya ang pantapat sa galing at gayuma ni Willie

Magaling kumanta, sumayaw at magkomedi

Ano pang hahanapin mo ke Vhong

Gusto din sya ng masa kasi walang ere

Lahat kaya ng naging pelikula nya box-office hit

Am sure Vhong will endear himself to the masses

Nung nag-host si John Lloyd Cruz minsan

Talagang napapanganga ang lahat sa kagwapuhan nya

May comic timing naman si John Lloyd

Gusto din sya ng audience kasi anlakas ng kilig factor nya

Unfortunately, John Lloyd is a damn-good actor

Sa dami ng mga pelikulang ginagawa nya

At sa mga dumarating pang movie offers

Sa tingin ko hindi nya tatanggapin ito

At dahil walang pelikula lately si Aga Muhlach

Pwede syang magbabad bilang host ng Wowowee

Pakyut din itong si Aga and sa dimples pa lang nya, ayos na ang kamada

Magalang si Aga kasi well-trained sya ng Auntie Amalia Fuentes nya

Kayang-kaya ni Aga ang pagho-host kasi sanay sya sa TV

And am sure tataas ever ang rating ng Wowowee

And Piolo Pascual?

What about him?

Please lang, akin sya!

Huwag na syang pag-emsihin sa Wowowee!

Related Posts with Thumbnails


Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner




Ganda Ever So Much! is out now.


Tags: , , , , , , , ,

10 Responses to “In Search Of A Wowowee Host”

  1. Faust said:

    Wowowee needs a makeover or an overhaul..
    .-= Faust´s newest blog post ..Open Directory Project Editor Application Approved =-.

  2. metalbite said:

    SEARCH FOR A WOWOWEE HOST????? un ang dapat…

  3. cathy said:

    ROBIN PADILLA is absolutely the best! I love his hosting style! He gets better and better everyday.
    He must be retained to host Wowowee as he gave so much joy and inspiration to the Filipino people around the world.

  4. lito said:

    hahaha!marami na tayong maka piolo!

    what if babalik pa si willie?afterall nakakontrata pa sya with ABS-CBN. if ever ang kapal naman no?

    vong navarro will be a good replacement .then dagdagan nila ng masasayang co hosts like vice ganda, chocoleit,pooh or kaye brosas.
    .-= lito´s newest blog post ..Charice Hits No. 1 on Billboard and MYX Charts =-.

  5. fahdingding said:

    nag back out si AGA Muhlach kasi di nya daw kaya! hahaha

    Si buboy ang next host pero I like ROBIn talaga… very gentleman!

  6. orman said:

    @fahdingding — yah, i saw that interview… kasi nga close friend nya si willie… isa pa he wants to concentrate sa bagong nyang sitcom with ai-ai…

  7. orman said:

    @lito — malaking possibility talaga na bumalik si willie. but that would really messed up the reputation of abs cbn.

  8. orman said:

    @cathy — maginoo ang style ni robin and one can feel his sincerity talaga. he treats everyone, as in EVERYONE, with utmost respect.

  9. Abs Cbn Wowowee said:

    [...] blog archive willie leaves … Carmen soo in wowowee cash motto 1 – may 26, 2010 pinoy tv videos Ganda ever so much! » blog archive » in search of a wowowee host Tns national tv ratings (may 21-24): wowowee remains strong … Willie revillame to return in [...]

  10. fahdingding said:

    Wow..may bago sitcom si aga? yes!

    Di ko na tlaga gusto si willie…

Leave a Reply

CommentLuv badge