The Zip Line-Ride Of My Life

Nobody thought that I’d have the guts to do it

Well kamuntik nang magkatutuo ang sapantaha nila

Sa tutuo lang, pinapanood ko pa lang ang video the night before

Bumabaliktad na ang sikmura sa tensyon at takot

Kaya nga dasal ako ng dasal

Na sana lumampas ang bigat ko sa maximum weight allowance

Asus eh nung nagpapalista na kami pasok na pasok ang katabaan ko

So pinanindigan ko na lang talaga

At bahala na si Batman

Tama ang warning ni Lyle sa akin

The trek to the top is a killer

Susme kahit gaano ko pinaghandaan ang byaheng ito

Kahit inaraw-araw ko ang pagba-bike

Halos mamatay talaga ako sa pag-akyat

Lawit-dila, Tagaktak ang pawis, habol-hininga

Kami nina Dulce at Cai ang pinakahuli sa grupo namin

Parang Walk to Mt. Calvary ang tinahak ko

Grabe talaga sa hirap!

Nagpahinga muna kami saglit

Kailangan kasi talagang mag-cool down bago sa zip ride

Siempre pa nagdadalawang isip na ako

Naghahanap ako ng magandang rason para di ko ituloy

Kaso nga the only way to go back to camp

Is via the trek na isinumpa ko kani-kanina lang

And if ever ginawa ko yun may tawag sila dun

WALK OF SHAME daw

Susme ayoko nga ng ganun

Nung isinusuot na saken ang mga cables

Sabi ko sa nagkakabit:  “Pare, marami akong pinapag-aral ha.”

Natawa lang sya kaya hindi na ako kinabahan

Antagal kinabit ang mga kable

Kumanta na lang ako ng COME HOLY SPIRIT

Sabi ni Donna dapat daw DARNA ang tawag sa ride ko

Pinapatawa ko na lang silang lahat

Buti na lang they were all cheering me on

When it was time to step out of the plank

Sabi ko sa sarili ko:  THIS IS IT!

At nung bitiwan na ako

Nawala na ang lahat ng kaba ko

thumbs up for the best zip-ride of my life

Grabe ang adrenaline rush

Kahit ganun ang excitement ko

I made sure that my Lumix camera was turned on

Ang ganda ng view sa taas

Kitang-kita mo talaga lahat

Nung medyo malapit na ako sa base camp

Aba, bumilis ang laglag ko

Unang putok ng break signal

Aba-aba, lalong bumilis

Eh wall of rock na yung nasa harap ko

Pangalawang putok ng break signal

Whew! Buti na lang tumigil

Grabeng saya ko talaga

I MADE IT!

I CONQUERED MY FEAR!

Salamat Lord at walang nangyaring di maganda

Biglang gusto ko nang gawin din ang Lake Sebu Zip Ride

Salamat din sa mga kasama ko sa Team DFAT 2010

Hindi talaga ako nagsisisi na I spent my weekend in Davao

O kayo?  Try nyo na rin mag-zip ride

Am sure mageenjoy din kayo!

Related Posts with Thumbnails