The Many Miracles of The Summer Safari

courtesy of lyle santos

Maaga pa ngarag na ako kahapon kasi kinulang ang sasakyan namin

Di ko kasi na-follow up ang may-ari ng van na sasakyan namin to Lake Sebu

The first miracle of the day:  Mabuti na lang available ang van ng Ice Castle Experience!

Although we waited for close to an hour, oks lang!  Thank you, Lord talaga!

Salamat din kay Mayor Jun Acharon for the other van na pinahiram nya

Pinauna na ni Kuya Avel ang dalawang grupo sa Dolores Farm Resort

Dun kasi ang breakfast namin before proceeding to Lake Sebu

Masarap ang crispy tilapia na sinerve nila with matching hot native tsokolate

Masasaya ang mga mukha ng mga bloggers

Hapi kami kasi bonggacious ang activities the previous night

Habang nagkakasiyahan lahat naka-fingers crossed naman ako

Hoping and praying na success ang Lake Sebu experience namin

Anyway, after breakfast naglibot muna kami sa mini-zoo ng Dolores Farm Resort

Kaloka ang monkey sa cage kasi nag-X rated show ba naman

Ngayon ko lang din narealized na ang wild boar, mukhang baboy pala

After kodak moments, lumarga na kami for Lake Sebu

courtesy of lyle santos

Tinulugan ko lang ang byahe papuntang Lake Sebu

Nagising na lang ako na nandun na kami

Andaming sasakyan sa parking area and mega-pila ang gustong sumubok ng Zipline

May taga-ibang lugar pa – in fact, may taga-Baguio na pumipila

Ganito na pala talaga kasikat ang pinakamahabang zipline adventure sa Pilipinas

Sana ayusin lang ang daan papasok kasi uber kakitid talaga

And siempre medyo disorganize ang proseso nila for those who wanna try the zipline

Iniwan namin nina Francis Sablon and Carlo Ebeo ang Bloggers para ayusin ang lunch

Francis and Carlo helped us with Punta Isla Resort to be our host for lunch

Now that was the 2nd miracle of the day: I didn’t have to suffer the heat of the sun while standing in line

Tama yung disisyon kong tumulong sa pag-arrange ng lunch

Pumila kasi sila for over two hours tapos kinahapunan pa makakasubok

Dismayado nga ang mga itsura ng taga-CDO kasi gusto talaga nila masubukan ang zipline ride

Buti na lang may entertainers na T’Boli natives na sumasayaw for us

Ang phrase for the day:  “DONATION PLEASE!”

Nalurkey talaga kaming lahat – ayun tuloy naging standard line namin yan

Kahit nadelay ang lunch namin – uber uber pa rin ang pasasalamat namin

Kasi baon namin ang masarap na cupcakes from Rollee’s Bakeshop

Our Tilapia Lunch Treat was just great – meron pang nilagpang na native na manok

Sinugba, crispy-fried, kinilaw at paksiw na tilapia forever and ever

courtesy of lyle santos

After lunch, nag-separate ang grupo namin

The CDO Bloggers went back to the Zip Line Adventure

Kami naman proceeded sa Merl Mountain Resort

Na-excite ang mga kasama kong bubwit kasi meron ding zipline ride dito

Maikli lang ang distance and hindi kataasan pero okay na rin

Kaya go talaga sina Romarie, Peter and Mandi

Napasubo din ang first-timers ng zipline ride na sina Alexis, Rabsky, Xyril and Ariel

While kami naman, nagkanya-kanyang idlip sa cottage

Nagising na lang kami sa amoy ng bagong lutong pansit canton

This is the third miracle of the day:  Meriendang unexpected para sa mga taong nabitin!

Ansarap talaga lalo na pag gutom ka! Hahahaha!

Habang pinapapak namin ang pansit, nagsisiliparan naman ang nag-zipline ride

Buti na lang hindi ako nainggit at wala akong balak talaga

Ang ganda sa Merl kasi mas relaxing ang atmosphere at hindi mukhang may piyesta

May swimming pool sa bandang gitna na nakakaenganyo

Very accommodating pa si Ma’am Merl sa amin

If you ask me, mas okay dito kapag pamilya ang dala mo

Hindi nakaka-stress ang pagpila ever

courtesy of lyle santos

Our trip to Koronadal was like Karaoke Nights inside my Ford Everest

Full-stereo in full-volume ang sound system while playing choiced songs

Sina Romarie Cunanan and Mandi Nicolas ang disc jockeys

Mega-sing along ang ginawa namin with Charles Ortiz, Alexis Chua, Xyril Landicho and Rabsky Villanueva

Am sure deep inside nakiki-sing along din si Peter Pilot na Photographer Pa Driver Pa Gyud

Bago pa kami umuwi ng Gensan dumaan muna ang grupo sa Sa Balai Bistro

This bistro is owned by Carlo Ebeo – dating bahay ito na ginawang resto-bistro

Very relaxed ang atmosphere and talagang feel-at-home ka

Ang sarap ng pandan shake nila pero nawindang ako sa cold iced tea nila

Hindi ko sya ma-express in terms of taste kasi bago sya sa panlasa

But sa tutuo lang it helped me burped a few times

Iba talaga pag organic ever ang iniinom

And this was where the fourth miracle happened: Donna Mae Congson was on hyper-drive!

Kasi nga worried kami (lalo na si Emman) sa kanya coz kulang na lang himatayin sya sa Lake Sebu

Namumutla kaya sya and malamig ang pawis nya

Ric Dumalay had to do the driving chores para rested sya pababa

Ang siste, naka-recover na si Donna at super-daldal during the trip

It helped that she took that weird iced tea kasi fully revived ang beauty ni Donna

Thank you, dear Lord for this miracle!

courtesy of lyle santos

At dahil pagod, kanda-hagok talaga kaming lahat pauwi na ng Gensan

Nagising na lang kami nung sumaglit kami sa Tupi to get the Opera ballpens

Tuloy-tuloy na ang byahe afterwards hanggang dumating kami sa dinner host namin

Susmaryosep — wala nang katapusang kainan ito!

Bonggacious ever ang handa ng Red Tent Steak House

Kaya nung finally dumating na sina Kuya Avel bitbit ang pasalubong from Kakanin Atbp kainan na agad

Sarap ng food nila and very accommodating talaga sina Dexter and Dina Dumaran

Salamat siempre kay Gilbert Tan for arranging this dinner

And as we were wrapping up after the picture-picture

Nag-final message na si Kuya Avel

And this for me is the BEST miracle of all: Kuya Avel, despite his recent health setback, got to finish it till the end

Kahit nginarag-ngarag nya ako okay lang

Ang importante mega-successful ang plinano nya

At huwag nyong iisiping ako ang brains behind the Summer Safari dahil si Kuya Avel yun

Beauty lang talaga ang contribution ko!

courtesy of faust principe and miah laborte

And lastly this is the pahabol miracle of the Summer Safari…

Ang dating magkatunggali sa mundo ng Plurk at Google Adsense

Ang taga-CDO na dating nanalo as Mister Amity-ville Horror Robstroy Bana

At ang Prinsipe ng Kadiliman este Kabataan pala na si Kevin Pacquet

Finally threw away their daggers-for-each-other

And finally did what every parent fears these days

Do the Jejemon-Heart pose!

Kidding-aside, thankful talaga kaming nakakaalam sa kwento nila

Dahil sa Summer Safari friendship ever na sina Robstroy and Kevin

Mabuhay ang mga jejemon!!!

And like any story, this one has come to an end…

Pero and kagandahan nito kasi mas dumami ang kaibigan kong taga-ibang lugar

Mas naka-bonding ko ang mga dati ko nang kaibigan

Nayakap ko uli sina Lyle Santos, Brendel Balaga, Ria Jose and ChiQ Montes

Mas naging love ko din sina Kuya Avel and Marz

And siempre pa nag-enjoy ako kahit naga-tumbling ang puso ko

Salamat sa Summer Safari na ito kasi may bago na akong crush

Kung sino ka man, humanda ka sa akin!

Related Posts with Thumbnails