Mga Tips Sa Talunang Kandidato

2010election

Hanggang ngayon maraming kandidato na natalo ang nagtataka kumbakit sila natalo.  Hetong dapat nilang basahin…

  1. Humanap ng credible na benefactor. Kahit gaano ka pa kagaling kapag ang benefactor mo ay isinusuka na ng tao, matatalo at matatalo ka pa rin.  Kung ginamit mo ba naman ang talino mo earlier on at humiwalay sa kasuka-suka mong bosing baka napatawad ka pa ng tao.
  2. Maniwala ka sa survey results. Hindi porke’t maraming umaatend ng rally mo, siguradong panalo ka na.  Hindi porke’t sangkaterba ang fans mo sa Facebook, peke na ang resulta ng mga surveys.  Prick your illusion balloon immediately at gumising ka sa katotohanan nang magawan mo agad ng paraan.
  3. Huwag kang kampante kahit nangunguna ka sa survey. Pagsikapan mo na marami kang makakadaupang-palad.  Kung kakayaning mag-house to house, gawin mo.  Magparamdam ka sa mga tao.  Hindi pwedeng nagiinarte ka sa kampanya.  Hindi ka rin pwedeng feeling hari or reyna na pinipili lang ang gustong kausapin.  Araw-araw mong alamin ang pulso ng tao para hindi ka lalabas na nagulat sa resulta ng halalan.
  4. Hindi napepeke ang sincerity. Kahit anong television ad pa ang gawin mo, mararamdaman ng tao kung tutuo nga ang mga pangako mo.  Bago pa man ang kampanya dapat naayos mo na ang dapat ayusin sa nakaraan mo.  Kung may mga pagkakamali ka dati at ito’y ibinuyangyang sa kampanya, umamin ka na agad and move on.
  5. Good intentions are not enough. Okay, fine mahal mo ang bayan mo.  Okay, fine ikaw ang sagot sa naghihirap na sambayanan.  Pero kung wala ka namang mekanismo na magpapatakbo ng kampanya mo eh tigilan mo na ang ilusyon mo.  Sa Pilipinas, importante ang volunteers na hindi humingi ng bayad.  Kung may volunteers ka nga pero iilan din lang huwag mo na lang silang pagurin.  Tumulong ka na lang sa malakas na kandidato.
  6. Suportahan mo ang MAIN candidate mo. Huwag kang aasta na parang ikaw ang mas gusto ng tao.  Yung suporta mo dapat walang kapalit.  Makakarma ka talaga nyan.  Tatalunin ka ng kalaban mo na ni sa panaginip hindi mo inisip na tatalo sayo.
  7. Piliin mo ang mga mag-eendorso sayo. Huwag na huwag kang pipili ng mayabang na itago natin sa pangalang Willie Revillame.  Enough said.
  8. Sagutin mo ang mga issues against you, straight to the point. Huwag nang magmaang-maangan pa.  Mas maiintindihan ka ng tao kung honest ka.  Dapat marunong ka ring sumagot dahil kung hindi lalamunin ka ng sambayanan.
  9. Malaki ang nagagawa ng pera pero hindi ito ang tanging paraan. Go ask Manny Villar.
  10. Lastly, DO NOT UNDERESTIMATE THE UNDERDOG. Huwag magmalaki na mas marami kang nagawa.  Huwag ipangalandakan na marami ka nang natulungan.  Huwag magmayabang sa naging trabaho mo in the past.  Eh ano naman kung marami kang nagawa kung hindi ikaw ang gusto ng bayan?

Bato-bato sa langit – ang tamaan, magkakabukol.  Yun lang.

 

Related Posts with Thumbnails