Bitter Losers

Hanggang ngayon, sangkaterba pa rin ang mga bitter na talunan sa nakaraang eleksyon.  I’m not talking about the candidates themselves, ha!  I’m referring to those who voted for candidates who MISERABLY lost in the recent elections.  Utang na loob – please lang – mag-move on na kayo.  Tigilan na yang pagre-revive ng pre-election rah-rah spirit na yan.  Nag-concede na po ang kandidato nyo.  Huwag nang buhayin ang bangkay.  Huwag nang gumawa ng Facebook group para magsama-sama kayong mga hindi makatanggap ng pagkatalo.  For sure ang motto nyo:  Misery loves company. Get a life.   Siguro naman may dati kang buhay before the elections di ba?  Balikan mo na kaya.  O di kaya, mag-career change ka na para di mo na kina-career ang patuloy mong panlalait sa nanalong kandidato.  Or go see a psychiatrist.  Patulong ka about anger management.  Hindi na kayo nakakatuwa.  Nakakairita na ang bitterness factor nyo.  Kung di pa rin kayo papipigil then go eat ampalaya.  Baka sumaya pa kayo.  Yun lang.

Related Posts with Thumbnails