Give Kris Aquino A Break

courtesy of http://girleavesdropper.wordpress.com/

First things first, isang reminder sa mga nanlalait kay Kris Aquino:  Bago nyo linisin ang dumi sa mukha ng kapwa nyo, look yourself in the mirror at pansinin mong nanggigitata din sa dumi ang mukha mo.

Tao lang si Kris.  Hindi sya perfect just like you and me.  Ang kaibahan lang natin sa kanya – mas sikat sya at mas maraming commercials.  For all her faults at kaengengan, para sa akin, Kris ranks very high for me, vis-a-vis sa ibang artista na kung umasta eh parang santo pero nasa loob naman ang kulo.  I will have Kris Aquino, anytime, all the time.

Kaya tigilan ako ng mga gustong umalis si Kris from the Pilipinas.  Ano kayo, bano?  Just imagine kung wala si Kris dito sa atin.  You’ll have the likes of Ruffa Gutierrez entertaining us about showbiz!  And please lang, tigilan na ako ng mga Kris-wannabes sa SNN!   Hindi man lang kayo naka-first base sa istilo ni Kris.

Eh ano ba kung sinabi nyang mag-aalsa balutan kung mananalo si Noynoy.  Himayin nyo naman ang gusto nyang iparating.  KUNG MAGIGING PABIGAT LANG SYA KAY NOYNOY THEN IT’S TIME TO GO.  But hello…. sa tutuo lang kaya tumaas ang awareness ng tao kay Noynoy ay dahil sa kanya.  At isa pa, Noynoy will need all the help he can get MOST ESPECIALLY galing sa pamilya nya.  Eh ano kung Kris will play a role to Noynoy’s presidency?  Karapatan nya yan dahil kapatid sya.  But knowing how Cory raised them, believe you me, hindi makikialam si Kris and her other siblings sa affairs of government.

Inggit lang kayo kay Kris.  Ako inggit din pero love ko si Kris.  I always look forward to her showbiz appearances.  Pero ayokong nagda-drama sya sa Prime Time.  Hindi sya bagay!  Pero it’s not reason enough for me to ask her to leave the Pilipinas!  Hindi ako OA kagaya ng mga nagsimula ng petition ek-ek na yan.  Mga inggitera!!!

Just imagine showbusiness without Kris Aquino.  Ang boring kaya!  Mawawalan din ng trabaho si Angelica Panganiban.  Si Angelica na if not for impersonating Kris Aquino eh forever starlet na lang.  Look where she is now.  I think idol din nya si Kris dahil ka-scandal-scandal din ang buhay nya.  Winner!

At papano na lang si Boy Abunda, aber!?   Kris is Ying to Boy’s Yang.  They’re the perfect showbiz couple.  Look what’s happening to The Buzz or SNN kung wala si Kris.  I love KC Concepcion too pero di pa talaga nya nararating ang estado ni Kris.  Ang banter between Boy and Kris ay walang kalevel.  Sila na ged!

And finally, kung meron mang dapat umalis na sa Pilipinas ay walang iba kundi si Willie Revillame.  Si Willie na siguro ang pinaka-bastos na Pilipino dito sa Pilipinas.  Rude, masamang ugali, mayabang — nagdo-diyos-diyosan at ito pa ang pinaka-kicker nyan, BINASTOS ON NATIONAL TV ANG EMPLOYER NYA.  Hello, you never bite the hand that feeds you kahit pa marami ka nang pinasok na income dyan.  Ang yabang talaga!

Kaya tigilan nyo si Kris Aquino, please lang.  Give her a break.  If you don’t like her then don’t like her.  Paki nya at paki ko sa inyo.  Mamatay kayo sa inggit!

Related Posts with Thumbnails