An Overdose Of Yummy Delights From Mam Bebs

Dahil late akong dumating sa afternoon briefing

Kamuntik ko nang di matikman ang inihanda ng Mam Bebs para sa amin

Except for ChiQ Montes, Winston Almendras and Jehz Laurente

Halos kumpleto na ang Team DFAT 2010 nung Day #1

For the first time, nameet ko sina Sarah Cada, Ada Lajara and Cai Abbass

Taga-Manila silang tatlo kasama sina Melo Villareal and Jonel Uy

And siempre I was too happy to meet my fave short-film director Micah Rodriguez

Andun na din pala si Donna Mae Congson na taga-Gensan din

Nakakainis pag late ka at nakakain na ang lahat

Conscious kang lumamon ng todo kasi nga nagiisa kang kumain

Eh sa itsura pa lang ng Pansit Luglug ng Mam Bebs, maglalaway ka na

Kaso feeling busog na nga ako kasi wala akong kasabay

Kumuha pa rin pero kuhang-pakyut at kokonti

Unang subo pa lang parang gusto kong himatayin sa sarap

Kahit gustong-gusto ko pinandigan ko na lang na wag kumuha uli

Da best talaga ang pansit luglug na ito – parang Malabon-original

Eto ang medyo bumawi na ako kasi mini-ensaymada ang dating

Hahahahahaha!  In that one sitting I consumed three pieces agad

Ang tawag daw dito eh Potato Rolls

Tamang-tama lang ang tamis and hindi nakakaumay

Anlambot pa nito and bite-size nga kaya mapaparami ka kung sisige ka lang

One box of 100 pieces costs PhP500.00 and believe you me, sulit talaga!

Baka magtaka kayo bakit La Suerte Bakeshop ang wrapper ng siopao na ito

Dati kasing pangalan ng Mam Bebs ito

But they retained the original recipe for their asado siopao

Kahit nga walang catsup ansarap pa rin ng lasa

Ambango pa ng dough and malambot at masarap din

Pinabaunan ako ni Ria ng lima para kay Peter Pilot

Hehehehehe…. I ate two for my midnight snack

Siempre dapat magpasalamat sa nanlibre samen sa Mam Bebs

Maglaway na kayo sa pinakapoging blogger ng Davao

Andrew dela Serna is the son of Mam Bebs or Ma’am Baby

Sa sobrang bait ni Drew, pinakain nya uli kami during the Google Precinct Mapping Party

At dyan ko talaga ibinuhos ang pinigil kong damdamin nung Day #1

Hehehehe… thanks Drew!  Thanks to your Mom too!

Next time, oorder na ako ng potato rolls at dadalhin ko pauwi ng Gensan

O, kayo?  Ano pang hinihintay nyo?

Umorder na din kayo!  Now na!

Mam Bebs is formerly known as La Suerte Bakery. It is located at the CVA Building, along CM Recto Street in the heart of downtown Davao City near Ateneo de Davao University and Planters Bank. To order, call (082) 227-8131 or (082) 300-7403.

Related Posts with Thumbnails