
courtesy of fr. rogie castellano
Hirap ispelengin ng tao ngayon
Madaming manlilinlang
Madaming mang-uuto
Madaming manggagantso
Kahit gaano mo pa sabihing manhid ka na
Masakit pa rin kapag ikaw ang naloloko
Charge to experience, ‘ika nga
Tuloy lang ang ikot ng mundo
Kasi sa tutuo lang hindi naman lahat ay tarantado
Dahil kung may mga sablay ang ugali
Mas maraming din namang ayos na kasama
Kaya nga para ding investment ang pakikipagkaibigan
Pwedeng malugi at pwedeng guminansya
Kumplikado naman kasi ang relasyon
Hindi pinagaaralan ang pagmamahal
Kusa itong umuusbong at sumasagana
Kaso nga lang kahit gaano mo pa ito alagaan
Nagkakauod din ito o di kaya’y nalalanta
Huwag masyadong umasa
Huwag din namang mawalan ng pagasa
Makailang beses ka mang nadapa
Tumayo ka lang at matuto
Sa susunod na may tatarantado sayo
Unahan mo na’t wag ka nang pauuto
Huwag lang na ikaw na mismo ang manguuto
Karma na ang katapat mo
Hindi man sayo tumapat
Baka sa mga mahal mo
Yun lang.
Babu.
Please rate this post!
Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!



Well said.
.-= Lyle´s newest blog post ..StarCraft II PLURK Design =-.
Yey! Cool one!
.-= sheng´s newest blog post ..Meeting a Hunky =-.
kaloka pero minsan kahit alam na nating inuuto na tayo.go pa rin…
.-= lito´s newest blog post ..D’ Survivors:A Fun Movie to Watch =-.
Vintage ORMAN! = )
Nice! Nice! Nice!
Wag magpapauto!
DaPaT LaNg MaDer, we ShouLD neVer LeT oUr GuaRds Off, LaLo na NgaUn DaMi NaNg ManLoLOko. GaLing Mo TaLaGa sa BLOgs Sir! Nice Nice, VerY niCE!
so tama. tsk tsk. nice nice. ^^
nanardxz´s newest [type] post ..Basta Ilonggo Tikalon-