Bloggers’ Night Out

I always look forward to meeting my blogger-friends in Davao

Eh kasi naman every visit means a new experience palagi

This time around, we agreed to have dinner at Lachi’s

Itinaon ko na lang din na dun kami magdi-dinner ng taga-AUB

Para hindi na ako ma-stress sa palipat-lipat ng venue

Two birds in one stone, ‘ika nga…

Para ngang antagal na naming di nagkikita

Beso-beso and hug-hug to the max agad kami

I realized I missed my charmed ones  Brendel, Angel, Chattee, Ria and Dulce s0 much

Lyle and Andrew were there too kasama si Anne while Jim followed much later

And it was a pleasant surprise to see Chiq from CDO!

And dalawa kami ni Donna from Gensan

Para tuloy reunion ng bloggers ang nangyari

Eh lahat pa naman kami voracious-ever ang appetite

So nung nagdatingan ang mga inorder namin

Dedmahan ever muna sandali para maka-concentrate sa kainan

Pero dahil nga ibang level na ang friendship namin

Kahit puno ang bunganga ng pagkain

Kwentuhan pa rin kami to the max

Naubos na lang ang dessert – panay pa rin ang bidahan

I thought nga uwian na kami after dinner

The group decided to go to Kasagingan Kapehan for coffee and beer

Cozy din naman ang lugar pero maliit ang seats nila na aluminum

Eh ayokong makasira ng furniture so I asked Lyle to get me a sturdier seat inside

Binida pa ni Donna ang “magic” ballpen nya na nai-erase

Inom na inom pa naman ako kaso ang mahal ng beer nila – 65 pesos each!

Masarap naman ang fried bananas nila and the other one with the crepe

But it’s nothing fancy… mas masarap ang banana cue na gawa ng nanay ko

Eh talagang aksyon na aksyon pa kami

Napagkaisahan namin na pumunta ng Carnival

Honestly, hindi talaga kaya ng powers ko ang rides

Nag-beg off ako sa bump cars kasi ikamamatay ko ang whiplash

Nakakainggit nga pero di ko kakayanin talaga

Nung sa roller coaster na kami, i felt kaya ko na

Oh my God!  Para akong mabuang lalo na pag kurbadang mabilis

Para talagang tumitilapon ang kaluluwa ko

Ang sigaw ko abot-langit kaya pati mga anghel nagising

But boy oh boy it was one hell of a fun-ride

And just when I thought yun na yun

Susme gusto pa nilang sumakay sa Sea Dragon ride

Just looking at it made me wanna puke

As in, babaliktad talaga ang sikmura mo

Eh ang tatapang ng mga kasama ko

Nagpaiwan kami nina Angel, Lyle and Andrew

It was a memorable Night Out with my Davao friends

Keber nang naagnas ang make-up namin sa pawis at init ng panahon

Uber enjoy naman kaming lahat

Looking forward to D.F.A.T. in May!

I love you, guys!

Related Posts with Thumbnails