Mga Dapat Iwasan Kapag Heart-Broken Ka

courtesy of chattee lara

Masama ang loob mo.  Gusto mong gumanti.  Ayaw mong mapag-isa.  Napapraning ka na.  May galit ka pa.  Ganito talaga ang mararamdaman ng kahit sino lalo na’t kagagaling mo lang sa isang masalimuot na pakikipaghiwalayan sa dati mong mahal.  Ke asawa mo, syota mo, kapartner mo, ka-fling mo, ka-jerjer mo — same same lang yan.  Pinagdaanan kong lahat yan kaya’t huwag na kayong makikipag-debate saken.  Hetong mga sampung bagay na dapat iwasan kapag heart-broken ka.  Umayos ka’t basahin ito and learn from the expert…

  1. Huwag magmadali. Huwag kang hunghang na feeling mo mamamatay ka kapag wala kang kapartner sa puso.  Hindi lahat ng lalapit sayo ay pwede na.  Give yourself some credit, please lang.  You deserve better.  Kung may naglalandi sayo tingnan mo from head to foot.  I’m sure may taste ka naman.  Then put it to work.  Mamili ka ng babagay sayo!
  2. Iwasang makipagharutan sa internet.  Hindi dahil you’re free again babara-bara ka na lang sa internet.  Lahat ng makikipag-chat sayo eh papansinin mo na lang.  Lahat nga magmi-message sayo eh sasagutin mo agad.  Hoy, magisip-isip ka naman.  Lahat nyang makikipag-harutan sayo via internet, may ULTERIOR MOTIVES yan.  Utang na loob huwag kang magpakatanga.  Pansinin mo — magpaparinig yan na luma na ang sapatos nya or gusto nyang ibenta ang gitara nya.  Susme, ano ka, Department Store?
  3. Huwag magpapadala sa sweet-sweet na text messages.  Biglang may magti-text sayo out of the blue.  Aba, pa-tweetums ang dating.  Na kesyo nakuha nya ang number mo sa blogsite mo.  Na kesyo interesado sya sayo.  Hallllerrrr!!!  Dito ka talagang mag-iingat dahil malaki ang tsansa na yan ang EX mo at gusto kang harbatan uli.  Enough is enough.  Huwag kang magpapaniwala sa mga text messages na ganyan!
  4. Huwag na huwag bisitahin ang Facebook or Friendster nya. I know, I know — force of habit lang yan.  Pero napapanahon na para putulin ang lintik na habit na yan.  Pano ka naman makaka-move on kung lahat ng status messages ng EX mo eh alam mo pa rin by heart.  Tapos na yan.  Sinaktan ka na nga eh nagpupumilit ka pa.  Mag-Farmville ka na lang or mag-Mafia Wars.  Dadami pa ang lupain mo at yayaman ka pa!
  5. Huwag na huwag kang maglalasing. Kung ang reason mo sa paglalasing eh para lunurin ang problema mo sa puso then think again.  Kasi ang problema marunong mag-swimming at hindi ever malulunod!  Susme pag nalasing ka mas madadagdan lang ang problema mo.  Chances are, gagastos ka sa walang katorya-toryang dahilan.  Kung iinum ka man then hindi kailangang magpakalasing.  Makipaginuman ka with close friends at saka nyo libakin ang EX mo!
  6. Don’t be friendly with your EX. At ano namang dahilan para maging friendly ka sa mga taong umuto sayo?  Tinaihan ka na nga sa ulo mo may gana pa silang makipagbati sayo?  Oo na – ang Diyos nakakapagpatawad.  Bakit, Diyos ka ba?  Kaya tigilan na yang friendly chuva ek-ek na yan ha!  Tapos sasabihan ka pang bitter ka.  Of course you’re bitter!  Pwes, manigas sila at wag mo silang kaibiganin.  And take note, pwede mo silang ISUMPA!
  7. Huwag pansinin ang mga pagpaparamdam nya. Sa mga panahong ito ang EX mo ang dapat pakaka-iwasang tao.  Kahit gamitin nya pa ang mga kamaganak o kaibigan nya para magparamdam, DEDMAHIN mo!  It’s not worth your while.  Am sure may gusto lang kunin yan — mga items na naiwan sayo or kung anik-anik pa.  Huwag na huwag mong papansinin o sasagutin man lang.  Hayaan mong mamatay sila sa pandededma mo.
  8. Huwag pababayaan ang sarili. Hindi porke’t masama ang loob mo at depress ka eh pwede mo nang pabayaan ang sarili mo.  Huwag kang magmukmok sa kwarto mo.  Umayos ka.  Magpaganda ka.  Magpa-facial ka.  Dapat walang traces of depression ang itsura mo.  Iyakan mo lang yan ng todo in the privacy of your room.  Pero kapag lumalabas ka dapat maganda ka pa rin at hindi nagmumukhang refugee.
  9. Iwasang kumain ng todo OR iwasang di kumakain. Ito malimit ang waterloo ng mga heart-broken!  Dahil nga malungkot at depress dalawang bagay ang pwedeng mangyari:  Una, walang patumanggang kainan or pangalawa, walang ganang kumain.  Kung gusto mo nang mamatay, go get na lang a knife and make saksak yourself.  Natural lang na ma-depress ka – acknowledge it pero tuloy lang ang ritmo ng buhay.  Don’t over-eat or don’t starve yourself to depression.
  10. Huwag na huwag bibilhin ang pagibig. Madami kang pera, kamo?  So you go out and buy yourself a partner.  Maghunos-dili ka, ineng.  Mali na agad ang simula nyan so malamang hindi rin magtatagal yan.  Hold on to your wallet.  Dyan mo madidiscover kung wallet mo lang ang habol ng prospect mo or tunay na pagibig talaga yan.  Mas masarap umibig ang tapat kesa sa mga taong may katapat na presyo kung magmahal.

O ayan, am sure sa sampung ito nagawa nyo na ang lima, at the least.  Okay lang yan.  Hindi pa huli ang lahat.  Basta ipangako mo sa sarili mo na hindi ka na pwedeng bilugin ng EX mo.  In the meantime, it’s open season for you!  Collect and select?  Pwede but choose wisely.  Iwasang mapagod ang puso.

Related Posts with Thumbnails