It’s Okay To Cry

Kung kelan naman ako feeling recovered na

Saka naman nagkakaproblema ang mga kaibigan kong magkasintahan

Nung mga panahon kasi na para akong tralala

Dahil sa naunsyaming pagibig

Itong kaibigan kong ito ang tumulong sakin

Itago natin sya sa pangalang Martin

Sa dami ng mga inarrange na dates ni Martin for me

Aakalain mong may harem sya ng mga eligible guys

Tigilan ko na daw ang long distance relationships

Siempre nung mga panahong yun eng-eng ang utak ko

Whatever Martin said parang always made sense

Kasi naman he and his partner Lance were a perfect couple

Andami ngang naiinggit sa sweetness nila

Mahigit three years na sila together

Para ngang wala pwedeng makakapaghiwalay sa dalawa

Well, or so we thought…

Three nights ago the inevitable happened

Martin and Lance are not a couple anymore

All of a sudden the tables were turned

Bigla ako nanaman ang nagko-console sa kanila

Now, now… am not an expert on this kind of stuff

But yes, I’ve been there and it’s basically the same old thing

When you’re hurting, you just want to get rid of the shitty feeling

Isa lang ang sinasabi ko ke Martin

It’s okay to cry

Kagabi naginuman kami ni Martin

Kasama namin sina Randy and Dandy

We were there to give moral support

Tawanan kami ng tawanan

Pero halata pa ring tuma-tumbling ang emotions ni Martin

Dandy and I agreed na pwedeng magkabalikan ang dalawa

While this was ongoing

Nagti-text naman si Lance saken

Ambigat daw ng pakiramdam nya

Parang di nya kakayanin

Napabuntong-hininga na lang ako

Parang three weeks ago ako yung lulugo-lugo

Hindi ko man magawan ng paraan ang dalawang kaibigan ko

Alam kong eventually they will get over it

Bawat ending kasi nagsisimula sa beginning

Baka ang paghihiwalayang ito ay may kapalit na mas maganda

Sa ngayon, okay lang na umiyak

Okay lang din na manghinayang

Okay lang din na tanggapin na nagmahal ka

At yung pagmamahal mo sinuklian din ng pagmamahal ng minahal mo

Di man tumugma ngayon

Baka may darating na mas aayon sayo

Para kina Martin and Lance

I-enjoy nyo na muna ang pagiging single uli

Hindi dyan magtatapos ang mundo nyo

Andito lang ako para sa inyo

Anytime.  All the time.

Related Posts with Thumbnails