Happy Birthday To My Eldest Niece, Marrell!

Today, my eldest pamangkin turns 25

Parang kahapon lang ang liit pa nya

Being the first pamangkin sya talaga ang baby naming lahat

Truth to tell di naman kagandahan nung baby pa sya

Ngayon when I look at her naiba na

She has blossomed to become a beautiful woman

Mana sakin,  siempre!  Alangan namang sa kapitbahay magmana

Masalimuot din ang naging buhay nya

Pinagdaanan ang kung anik-anik na gusot

Napariwara at nagpasasa sa barkada

Pinagbigyan namin sya

Kuntodo dasal si Mommy para sa kanya

When she finally came back to senses

Naging mas reliable na sya

Today is her birthday

Kagaya ko tumata-tumbling din ang puso nya

Nauna lang syang iniwan ng syota

Sumunod lang ako

I saw her “suffer” in silence

Niloloko ko pa nga sya

Is she over it?

Bahala na si Batman

In the meantime tuloy lang ang buhay nya

Survivor naman itong pamangkin kong ito

And alam kong makaka-recover din sya eventually

Happy Birthday, Marrell!

Alam kong gusto mong makatapos ng college

Kaya sa blog post kong ito

Gusto kong iregalo sayo ang college education mo

Keber nang babangenge nanaman ang budget ko

Tapusin mo na yang pagaaral mo

Hindi ko man sinabi ito sayo

Kaya’t sa birthday mo ngayon, gusto kong malaman mo

Na mahal na mahal kita

At salamat sa love mo para saken na ramdam na ramdam ko ever

HAPPY BIRTHDAY, MARRELL!

Be happy.

Stay happy.

Makakarma din ang mga nang-aagaw ng syota!

Related Posts with Thumbnails