Eh Ano Ngayon Kung Single Ako?

fb-aybongga

Masyadong natigalgal ang puso at bulsa ko sa dumaang bagyo sa buhay-pagibig ko.  Normally, ang pinaka-solusyon ko eh ang humanap agad ng kapalit.  Pride kasi ang umiiral kaya’t siempre ayokong isipin ng iba na nawawala na ng powers ang asim ko.  So ang siste, pinagpapalitan ko ang RELATIONSHIP STATUS ng friendster, facebook at plurk ko.  Pati nga sa yahoo, tingle na tingle – este, single na single na uli ako.

Expectedly, sangkaterba agad ang pumasok na messages sa inbox.  Sa mga itsura pa lang alam ko na agad na katawan ko lang ang habol nila.  May mga okay din naman.  Pero siempre kung kasing-edad din sila ng ex-man ko, di bale na lang.  Tama na yung naisahan ako ng isang bubwit minsan.  May mga pursigido talaga.  Kako ano bang meron ako at hahabol-habol kayo?  Gusto daw nila ang mga chubs na mapag-aruga.  Hello?  Eh kung tinadyakan ko kaya sila?

Sinubukan ko ang isang mukhang may ibubuga.  Nung una aba talagang kukulot ang hair mo sa pagpapa-charming nya.  Easy lang, kako sa sarili ko.  Kasi mukang pamilyar na istilo na ‘to eh.  Eh kami pa namang “mature” na pag nilambingan parang asong-ulol!  Lumalabas ever talaga ang imaginary long hair with matching bangs.  So yun na!  Ride na ride na kaming pareho.  Naguusap na ng mga planong pagkikita.  Kako ambilis kong maka-recover.

Alam nyo naniniwala ako na kapag mabuti kang tao, may mga kaluluwang nagaalaga sayo.  Aba bigla ba namang nag-missent ng text message si prospect.  Hahahaha!  Natawa talaga ako at biglang nagising sa katotohanang imposible ang magkagustuhan ng ganun kadali dahil lang sa pagtitext.  Kahit anong pagsosorry nya, bistado ko na sya.  Medyo natigalgal ako saglit.  Nanghinayang?  I don’t think so.  Nabunutan pa ng tinik, yes!

Kagabi, katext ko ang ex-man ko sa Dumaguete.  Ang ganda ng usapan namin.  Nai-share ko sa kanya na hanggang ngayon mega-asar pa rin ako sa latest ex-man ko.  Sabi nya I will eventually get over it dahil mas maraming nagmamahal saken.  Sabi nya since nagkahiwalay kami, single na sya and he’s loving it.  Sabi nya, I should try being single again.  Less stress and you will love yourself more.

It got me thinking.  Bakit nga ba ako magmamadali?  Now that I can do whatever I want without having to worry what the other party will think.  Para nga akong nakawala sa cage eh.  It’s actually refreshing.

I’m single again.  Eh ano ngayon?  This might not be the perfect situation for me but just the same, I will enjoy the moment.  In the meantime, dadami uli ang savings ko.  Hehehehe!

Related Posts with Thumbnails