Sampung Mga Ginagawa ng Mga Lasing

I came across this post from PALPAK.ORG and sobrang nawili ako sa pagbasa.  Dinagdagan ko na lang ng comments  bawat item.  I’m sharing this with you, my faithful readers, nang sumaya din ang araw nyo.

  1. Umiyak ng walang dahilan. Ito ang pinaka-kwelang gawain ng taong lasing na lasing.  Bigla na lang magdadrama at hahagulhol na lang bigla.  Pag inaalo-alo mo lalo lang lalakas ang iyak.
  2. Nagbibigay ng advice sa kapwa lasing. Feeling Kuya Cesar or Tita Dely naman ang gusto nito.  Kahit tinutulugan na sya ng kausap nyang lasing, todo-bigay pa rin ang advices nya.
  3. Kumakanta ng pasintunado. Siempre, ang gusto ng lasing is to attract attention.  What better way to do it but by singing aloud and out-of-tune.
  4. Tinatawagan o tinitext ang ex para makipagusap ng walang ka-sense sense. Hehehehe… guilty as charged!  Nagawa ko na ito dati.  In fairness hindi naman ako binabaan ng cellphone or dinedma ng ex ko pero wala talagang ka-sense sense ang pinagsasabi ko.
  5. Nai-in love na lang bigla. Ang lasing na lasing na tao nagkakaroon ng split personality.  Kahit pangit ang itabi mo sa kanila, chances are manliligaw na lang yan bigla.
  6. Ginagawang unan ang inidoro. Kahit iniwan mong nakatayo sa sink ang lasing, luluhod o uupo pa rin katabi ng inidoro para dun sumuka.  Hindi aalis yan unless may aakay palabas ng C.R.
  7. Nagiging galante. Masa-shock na lang sila kinabukasan na wala nang laman ang wallet nila.  Eh kasi naman andali nang bolahin ang mga lasing.  Bigay lang ng bigay yan para maging masaya ang inuman.
  8. Ikinikwento ang buhay ng buong angkan. Huwag na huwag nyong pagki-kwentuhan ang pamilya at magsisi kang tiyak.  May mga lasing kasi gustong-gusto ibida ang angkan nila.
  9. Nagiging english-speaking kahit mali ang grammar. Ito actually ang nakakairita.  Mali-mali na nga ang grammar panay pa rin ang english-spokening nila.
  10. Panay ang sabi ng:  “HINDI NA AKO IINOM!” habang sumusuka. Para kasing bumabaliktad na ang sikmura mo pag sumusuka ka.  Lalo na kung wala ka nang isuka.  Susme, mapapamura ka talaga at mangangakong di na iinom!  Hehehe… neknek mo!  Pangakong-lasing lang yan!

Ang hindi ko lang nagawa dito ay ang #3 and #9!  Eh kayo?  Alin sa sampung ito ang nagawa nyo na?  Hehehehe!  Buti na lang hindi na ako umiinom ngayon…

Related Posts with Thumbnails