My Embarassing Moments

oomemo

Akala siguro ng ibang tao, never ako nagkakamali or pumapalpak.  Tao lang po ako at hindi diyosa kaya now and then may mga embarrassing moments din na nangyayari sa buhay ko.  I’ve CAREFULLY selected five of the most embarrassing situations na napagdaanan ko.  Go share yours – comment na agad!  NOW NA!

  1. Tumalsik ang jacket ng front tooth ko. Nagmimiting ako with my officers and staff in Zamboanga.  Ang taas na ng energy level namin nang bigla na lang tumilapon ang jacket ng ngipin ko.  Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi namalayan ng mga kamiting ko ang nangyari. Patay-malisya kong dinampot ang tumalsik na jacket sabay insert agad na parang walang nangyari.  Wala ni isang nag-comment but am sure natawa sila silently.
  2. Hindi ko matandaan ang pangalan ng kausap ko. Sus nakakahiya talaga ito.  Lalo na kapag may nakakasalubong ka or may lumalapit sa iyo at magpapakilala.  Call it memory gap pero mahina talaga ako sa pagmememorya ever since.  Kwentuhan na kami ng kwentuhan pero hindi ko pa rin maalala.  Tuloy kapag may kasama ako hindi ko na mapakilala.  Maswerte pag medyo nakaramdam ang LONG LOST friend ko at sya na mismo ang magbabanggit ng name nya.  Otherwise, eto normally ang reaction ko pagka-alis nya:  SINO NGA YUN?  HINDI KO TALAGA SYA MAALALA!
  3. Dini-deny ang credit card ko. Noon talaga pag ginagamit ko ang credit card ko may kasabay na kaba kasi posible ngang madeny ng establishment.  Okay lang sana kung walang ibang nakapila – nakakahiya talaga pag sinabi ng cashier:  “Sir, may iba pa po kayong credit card?” Susme, ang feeling ko talaga ay parang natutunaw na kandila sa hiya.  Eh hindi rin magkasya ang pera ko sa wallet.  Eh hindi pa uso ang ATM noon.  I have to cancel that purchase!
  4. Wallet na naiwan or Wallet na walang laman. Dalawa lang yan eh.  Either sinadya mong iwan ang wallet mo na walang laman or talagang nakalimutan mo lang talaga.  In both instances, nakakahiya pa rin lalo na kapag may babayaran ka.  One example eh kapag nagninong ka sa binyag dito sa Gensan.  At the end of the binyagan, the ninongs and ninangs are asked to sign the baptismal certificate at sabay sisingilin ka ng 100 pesos yata.  Swerte mo pag may kilala ka sa ibang ninong and ninang.  Papano na lang kung wala which happened to me.  So bago pa umabot sa end, nag-excuse muna ako na kunyari I had a bum stomach.  Umuwi ako to get my wallet and when I came back, ako pa tuloy ang nakatulong sa ibang ninong na walang dalang pera.
  5. Napa-utot ka thinking na walang ibang tao around you. Hay naku nakakahiya talaga ang nangyaring ito saken.  Eh di siempre may sarili akong room sa office.  Eh nararamdaman kong may nagbabadyang utot na palabas.  Lingon agad ako left and right.  Wala namang papasok and nag-iisa ako so mega-decide ako na palabasin ang gustong lumabas.  So yun na nga, may konting sound pa!  And oh-my-goodness!  May amoy pa ged.  Sa dihang nisulod ang assistant ko!  Hindi ko malaman anong dapat kong gawin – eh wala si Chad para ma-blame ko na umutot!  Hay naku dedma ever ako and hinila ko palabas ang assistant ko na kunyari may tinuturo akong eklavu!  Hahahaha, amcher naamoy din nya pero dedma din sya!

O, ayan ha this blog post will bring me back to earth.  Tao lang po ako at nagkakamali din.  Or should I say, napapautot din just like anyone, kasama na ang pet dog kong si Chad.  Ang moral lesson ng blog post na ito:  Huwag mag-feeling diyosa kasi you wouldn’t know when that embarrassing moment will happen to you.  Kung saka-sakaling mang dumating, carry mo lang… huwag nang magmalaking hindi ikaw ang umutot kasi obvious na nga na ikaw.  Mag-comment ka na, hoy!

Related Posts with Thumbnails