Rediscovering Rosal Resort

It used to be known as Rosal Beach

Pero mas kilala ito with its moniker “Bawal Beach”

Eh kasi naman andaming bawal dito

Kada lingon mo magugulantang ka ng kabi-kabilang signs

For a beach resort that charges that much

It was kinda stressful to be there

So when we decided to hold our outing there

I had mixed feelings about it

I was nursing a broken heart kaya

Eh di lalo lang ako ma-stress nito

For the sake of the group I decided to join na lang

The road trip was surprisingly without aberya

Napasemento na pala ang daan papunta sa mga resorts ng Glan

Iba talaga dumiskarte si Gov. Migs Dominguez

Kay tuloy enjoy si Peter Pilot sa pag-drive

Tinulugan ko naman ang buong byahe

When we arrived at the resort

Aba, very welcoming ang receptionist

Ang una kong napansin ang sign na

NO PETS ALLOWED

Mabuti na lang hindi ko dinala si Chad

I also noticed that they’re constructing a new building

Two floors ito and ang apat na rooms sa ground floor ang patapos na

Well, mukhang apartelle ang dating nya

Malamang para ito sa mga naghahanap ng hotel-amenities

Isa rin sa napansin ko is the big signage atop the new building

ROSAL RESORT

Aba new name na sila and it sounded better

Wala masyadong tao that time

We arrived around 3:30 pm na kasi

May two or three open cottages na occupied

Yung cottage namin is a two-floor abode

The room upstairs is good for seven individuals and may aircon

Dahil malawak yung room kahit limang tao pwedeng matulog sa floor

May veranda rin ito na pwede ding matulugan

The first floor naman is for dining

May cooking range with LPG tank

Meron ding kitchen sink and work area

And more important may fridge din

Dalawang ang toilet ang bath, tig-iisa sa bawat floor

After settling down kahit gusto kong mag-emote

Bumaba na ako sa beach-line to take some pictures

Patakip-silim na noon pero I was able to get good shots

Doon ko narealize na ang ganda pala ng Rosal Resort

Pristine ang beach nito at malinis

Ang ganda pati ng sunset view dito

Hayyyy lalo ako nag-feeling emo

Madilim na nang tinapos ko ang pagkokodak

Grabe ang adrenaline rush ko

Iba ang feeling kapag ganun kaganda ng paligid mo

In a way, na-realize ko maswerte pa rin ako

Life is beautiful keber na ang tuma-tumbling kong emotions

And rediscovering Rosal Resort made it worth my while

Kung type nyong ma-experience ang experience ko

You can call 0920-921-2203 for inquiries and reservations

Hindi kayo magsisi.

Related Posts with Thumbnails