Mga Dapat Pansinin Sa Mga Dyowang Nangangaliwa

ItsComplicatedTitleLogo

Ito lang ang masasabi ko:  Huwag maging kampante.  Kahit na magsyota o magdyowa kayo, iwasan ang pagkakataon na naghiwalay kayo dahil may nangaliwa.  Pinakamasakit ito sa mga pwedeng maging dahilan ng paghihiwalay.  Read and learn…

  1. Pansinin mo tuwing gamit nya ang cellphone. Kinikilig ba sya pag may ka-text?  Pag may tumatawag ba, lumalayo ba sya sayo?  Diretsahin mong tanungin kung sino ang katext o kausap nya then pansinin mo kung papano at anong isasagot nya.  Good luck na lang talaga.
  2. Naaalala pa ba nya ang anniversary nyo? Eh ang birthday mo?  Usually sasabihin nyang busy lang sa work, sa school, sa barkada, sa simbahan.  So ano ka bang talaga sa buhay nya?  Labandera?
  3. Kung nagdidi-date ba kayo, sina-suggest nyang isama ang mga barkada or friends nyo? Bakit kaya?  Dalawa lang yan:  Either nabobored sya pag ikaw ang kasama or ikinakahiya ka nyang kasama.
  4. Tuwing namamasyal kayo sa public places, nakikipag-holding hands pa rin ba sya with you? Or nauuna nyang maglakad o di kaya nagpapahuli.  Look yourself in the mirror — baka nga hindi ka na kaaya-ayang kasama.
  5. Nagagawa mo pa rin bang busisihin ang mga gamit nya particularly ang cellphone nya? Anong reaction nya kapag ginagawa mo ito?  Nanlilisik ba ang mga mata nya sa galit unlike before na sya pa ang nag-oofer na bulatlatin mo ang mga gamit nya?
  6. Kapag may date kayo, how often ba syang nali-late? Anong dinadahilan nya?  Pansinin mo rin kung lagi nyang tinitingnan ang oras.  At kung ang rason nya eh dahil mami-miss nyang panoorin ang paboritong nyang teleserye, mag-alsa balutan ka na.
  7. Malambing pa rin ba sya sayo? Or nagiging iritable sya kapag naglalambing ka sa kanya.  And by the way, iba ang iritable sa nandidiri ha.  Sana hindi pa umaabot sa pandidiri ang emotions nya.
  8. Tuwing naghahalikan kayo, ramdam mo ba ang love nya? Am talking about lips-to-lips.  May init pa ba?  O halik-magulang na lang kayo sa isa’t isa.  Kapag sa pisngi na lang humalik pwede pang maka-recover yan.  Pero kapag sa noo ka na hinahalikan, matakot ka na.
  9. Pansinin mo kung papano nya i-treat ang ibang tao. Kung sa tingin mo mas maayos ang treatment nya kesa sa pag-treat nya sayo then mag-isip isip ka na.
  10. Palagi ba syang nag-oovertime? Or may out-of-town assignment?  Panay din ba ang night-outs nya with friends?  Hmmmm… wag kang manhid.

Anyway, itong mga nakasulat dito pwedeng produkto lang ng imahinasyon natin.  Ang importante naiintindihan natin na pwedeng mangyari ito.  Kaya ngayon pa lang, umayos ka na at gawin ang nararapat.  Huwag hayaang maligaw ng landas ang ating mga minamahal.

Related Posts with Thumbnails